Wednesday, July 4, 2012

Piolo Pascual and Angelica Panganiban Topbill Upcoming ABS-CBN Primetime Soap 'Apoy Sa Dagat'

Muli na namang maghahatid ang ABS-CBN ng isang dekalidad at bagong serye na tatatak sa kasaysayan ng telebisyon.
 

Apoy Sa Dagat” ang working title ng upcoming primetime fantasy-drama series nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban. Kinumpirma mismo ni Piolo ang kanilang muling pagsasama nang siya ay mag-guest sa Sunday talk show na The Buzz noong June 24. Ito na ang magsisilbing follow-up team-up project nila after ng hit rom-com movie na “Every Breath You Take”.
 
Masuwerte si Papa P. dahil katatapos pa lamang ng kaniyang drama-seryeng “Dahil sa Pag-Ibig” ay eto na’t naghahanda na siya para sa kaniyang next primetime series. Samantala, ang proyektong “Apoy sa Dagat” naman ang pagbabalik primetime ni Angelica. Matatandaan na ang huling serye na kaniyang pinagbidahan ay noong 2010 pa, sa Filipino-Adaptation ng hit Mexican series na “Rubi”.
 
Ngayong week ay magsisimula ng mag-training ang dramatic actor para sa nasabing primetime series. Makakasama nina Piolo at Angelica ang kapwa Star Magic Talent na si Diether Ocampo na gaya ni Angelica ay balik-primetime rin. Huling napanood si Diether sa action-drama seryeng “Guns N Roses” na pinagbibidahan nina Robin Padilla at Bea Alonzo.
 
Kagaya ng co-star sa “Dahil sa Pag-Ibig” na si Jericho Rosales, first-time rin na makakasama ni Diether si Piolo sa isang serye sa Kapamilya Network. Samantalang ito na ang ikalawang beses na makakasama ni Angelica si Piolo sa isang soap. Noong 2004 kasi ay nagkatrabaho na silang dalawa sa “Mangarap Ka”. Para naman sa kanila ni Diether. Naging leading man niya na ito sa “IIsa Pa Lamang” (2008) at “Rubi” (2010).
 
Posibleng next year na mai-ere ang nasabing fantasy-drama series. Mas mauuna muna kasing ipalabas sa primetime TV ang mga programang “Ina, Kapatid, Anak” nina Kim Chiu at Maja Salvador, “A Beautiful Affair” nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, “Kailangan Ko’y Ikaw” nina Kris Aquino, Anne Curtis at Robin Padilla at “Against All Odds” na pagbibidahan naman nina Judy Ann Santos, Sam Milby at KC Concepcion.

photo credit: Piolo (Men's Health), Angelica (Bench)
Related Posts with Thumbnails