Thursday, June 28, 2012

Sam Pinto Retains the Crown as Philippines' Sexiest Woman

Yes, it’s Official! Si Sam Pinto muli ang nanguna at nagwagi bilang “Pinakaseksing Pinay sa Pilipinas”!
 

Kagabe lamang through 24 Oras, masayang  ibinalita ni Pia Guanio sa kaniyang segment na “Chika Minute” ang pangalan ng Kapuso Sexy Actress na nanguna sa botohan para sa “Philippines’ Finest’ title ng FHM at sa ikalawang pagkakataon, ang reigning Sexiest Pinay Sam Pinto ang nag no. 1 muli para sa taong ito.
 
Yes! It’s a back-to-back win for the 22-year old sexy actress!  Muli na naman niyang nahigitan ang ilang powerful contenders katulad nina Cristine Reyes, Marian Rivera, Solenn Heussaff at si Angel Locsin na maituturing na “biggest rival” niya ngayong taon para sa nasabing title. Sa muling pangunguna ni Sam Pinto, siya na ang ikatlong Pinay na nag no.1 ng 2 beses. Nauna na rito si Katrina Halili (2006 & 2007) at si Angel Locsin (2005 & 2010).
 
Inaasahan sa mga susunod na araw ay ilalabas na ng FHM Philippines ang complete list ng “100 Sexiest Women for 2012” partikular na rito ang mga artistang nakapasok sa TOP 10. Well, Congratulations to Ms. “Neneng B.” Sam Pinto : )

FHM Philippines’ Sexiest Woman (2003-2012)
2003- Diana Zubiri
2004 – Cindy Kurleto
2005 – Angel Locsin
2006 – Katrina Halili
2007 - Katrina Halili
2008 – Marian Rivera
2009 – Cristine Reyes
2010 – Angel Locsin
2011 – Sam Pinto
2012 – Sam Pinto

Trivia! Ito na ang ika-sampung taon ni Angel Locsin na kung saan siya ay nakakasama sa TOP 10. Noong 2003 siya ay no. 10 at umakyat sa no. 6 noong 2004. Simula 2005 up to this year, consistent si Angel sa Top 5. Wow! Ngayong 2012, it’s either no. 2 or no. 3 ang ranking niya. Congrats din kay GEL!
Related Posts with Thumbnails