Monday, April 30, 2012

GMA-7’s Newest ‘dramedy’ ‘Tweets for My Sweet’ Premieres this Sunday, May 6

Simula May 6, ang inaabangang pagbabalik ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa komedya ay matutupad na dahil pagbibidahan niya ang pikabagong handog ng Kapuso network, ang Tweets for my Sweet.
 

Ang Tweets for my Sweet ay kwento ng isang dalagang nagngangalang Meg (Marian Rivera) na lumaki sa probinsya kung saan magsisikap siya para makamit ang pinapangarap at maisakatuparan ang kagustuhang makapagtayo ng cafe
 

Nagpahayag naman ng sobrang kasiyahan si Marian, dahil sa panibagong biyayang kanyang natanggap. “Sobra akong natutuwa dahil ibinigay sa akin ang programang ito at magkakaroon ako ng pagkakataon upang makatrabaho ang ilan sa mga taong hinahangaan ko sa industriya. Kaya dapat nilang abangan ang Tweets For My Sweet dahil pasasayahin nito ang weekend ng bawat kapuso."
 
Matapos ang ilang taong pamamahinga sa pagagawa ng mga comedy shows, ang isa sa mga tinitingala sa larangan ng komedya ay muling nagbabalik--Mr. Roderick Paulate (bilang JB mercado) para sa inaabangang dramedy ng GMA Network.
 
Bahagi na rin ng programa ang kapuso actress na si Sheena Halili (bilang Lily), Kusina Master Host Chef Boy Logro sa kauna-unahan niyang role bilang Lolo Boy, mga kinakikiligang Tween stars na sina Elmo Magalona (bilang Dino Mercado) at Barbie Forteza (bilang Adele) at Youtube Sensation na si Mikey Bustos (bilang Dexter Matibag).
 
Para gampanan ang isa sa mahahalagang karakter sa nasabing "Dramedy", gagampanan ni Ms. Nova Villa ang karakter bilang Domina delos Santos na magdadagdag saya sa Tweets for my Sweet.
 
Mula sa direksyon ni Uro Dela Cruz, tuklasin ang mga sangkap sa pag-abot at pagsasakatuparan ng mga pangarap sa Tweets For My Sweet tuwing Linggo simula May 6, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA.
 
text and photo: GMA Network
Related Posts with Thumbnails