Friday, March 30, 2012

'Unofficially Yours' is Angel Locsin's Highest Grossing Film So Far

Ang latest film ni Angel Locsin na “Unofficially Yours” ay maituturing nang “NUMERO UNO” niyang pelikula pagdating sa takilya!
 

P157.25 Million – ito ang kabuuang kita ng nasabing pelikula ni Angel Locsin kasama si John Lloyd Cruz base sa figures na inilabas ng Box Office Mojo ilang linggo na ang nakakalipas.
 
Ang “Unofficially Yours” ang kauna-unahang pelikula ngayong taong 2012 na kumita nang mahigit P100 million sa takilya. So far, maituturing na ang “Unofficially Yours” ang pinakamalaking kinitang pelikula para kay Angel. Mababasa sa ibaba ang box-office record ng mga pelikula ni Angel Locsin na kumita ng mahigit P100 Million.

1. Unofficially Yours (Star Cinema, 2012) - P157.25 million
2. In The Name of Love (Star Cinema, 2011) – P117.23 million
3. I Will Always Love You (GMA Films & Regal Films, 2006) – P114.92 million
4. Let The Love Begin (GMA Films, 2005) – P103 million
Bagamat natapos na ang pagpapalabas ng nasabing MEGA-HIT na pelikula dito sa Pilipinas ay kasalukuyan naman itong umaariba sa takilya sa ibang bansa kagaya ng Amerika at Middle East para sa mga TFC Subsribers at libo-libong Pilipino roon.
 
About Angel’s upcoming projects, for TV – ang huli namin balita ay si KC Concepcion daw ang makakasama nito. For Movie – it’s Dingdong Dantes.

photo credit: CHRISTOPHER VALLEJERA
Related Posts with Thumbnails