Friday, March 2, 2012

The Phenomenal Team-Up of John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo is Back!

“AshLloyd” is back! Pagkalipas ng tatlong taon, muling nagbabalik ang blockbuster team-up nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa silver screen.
 

Opisyal na at wala nang makakapigil pa sa muling pagsasama nina Miggy (JLC) at Laida (Sarah) sa isang pelikula ngayong taong 2012. Ilang araw pa lamang ang nakakalipas ng ganapin ang story conference para sa 3rd installment ng “A Very Special Love”. Ibig sabihin lang nito.. ay talagang tuloy na tuloy na ang kanilang pelikula na may working title na “A Beautiful Affair”.
 
Kung matatandaan, dapat ay noong isang taon pa ang 3rd movie na ito nina John Lloyd at Sarah ngunit mukhang pinagdesisyunan muna ng Star Cinema na ipareha ang dalawa sa ibang Kapamilya talents. At ito nga ang.. Sarah and Gerald for “Won’t Last A Day Without You”; John Lloyd and Angel for “Unofficially Yours”. Nang pumirma muli ng kontrata si Sarah bilang isang Kapamilya, kinumpirma niya na nakasaad daw sa kontrata ang pelikulang pagsasamahan muli nila ni John Lloyd. At sa mga naghihintay ng kanilang balik-tambalan... eto na yun!
 
Straight from the huge success of her film “Unofficially Yours”, balita namin ay magiging busy na muli si Direk Cathy para asikasuhin at plantsahin ang mga detalye sa 3rd installment ng A Very Special Love. Makakasama nina John Lloyd at Sarah sa kanilang 3rd-movie ang bagong Kapamilya na si Iza Calzado.
 
Para bigyan tayo ng konting patikim sa muli nilang pagsasama, narito ang exclusive interview videos ng My C.H.O.S kay John Lloyd at Sarah pagkatapos ng story-con.




Related Posts with Thumbnails