Tuesday, February 14, 2012

Pagkahimatay ni Pauleen Luna During Eat Bulaga's Juan For All, All For Juan (VIDEO)

Usap-usapan hanggang ngayon ang nangyaring pagkahimatay ni Pauleen Luna kahapon sa Eat Bulaga sa segment na “Juan For All, All For Juan”.
 

Kahapon ay nasa San Juan, Davao City ang “Juan For All, All For Juan”, ang isa sa sikat na segment ng Eat Bulaga. Sila Paolo, Allan K. at Pauleen ang inatasan sa araw na iyon samantalang sila Jose at Wally naman ay nasa Broadway Studio sa Maynila.
 
Kung iyong papanoorin ng buo ang video, makikita mo kay Pauleen na parang nahihilo na siya habang papunta sa “lucky winner”. Ilang minuto pagkalipas noon, ay hinimatay na nga si Pauleen habang kanilang ini-interview ang maswerteng contestant. Nang malaman ito ni Bossing Vic ay pinag-commercial muna niya ang noontime show.

Sa pagbabalik nito, itinanong ni Bossing kay Allan K. kung ano nga ba ang nangyari kay Pauleen. Matinding init at Kakulangan sa tulog ang binigay na kasagutan ni Allan K.kung bakit hinimatay si Pauleen. Pagkatapos maliwanagan ang lahat, nagbiro si Bossing kung hindi daw ba naghahanap si Pauleen ng maaasim na pagkain. At biglang hiyawan ang lahat sa Studio. Sa pagtatapos, sinabi ni Allan na nagpapahinga na daw si Pauleen sa Hotel noong oras na din na iyon.
 
Para sa mga hindi nakapanood ng Eat Bulaga kahapon. Especially na sa segment na “Juan For All, All For Juan”. Narito ang kumpletong video.

forward to 11:30

Pag-iimbestiga sa nangyari

videos courtesy of forevereatbulaga via Youtube
screengrabs courtesy of Eat Bulaga
Related Posts with Thumbnails