Friday, February 10, 2012

Kokak, Hindi ‘NAGUNAW’ ng Kalabang Show

Talagang tutok na tutok pa rin ang mga viewers sa dumadagundong na mga eksena sa panghapong programa ng GMA-7 na Kokak habang papalapit na ang finale nito.
 

Patunay sa tagumpay ng nasabing programa ay ang hindi matinag na ratings nito kung ikukumpara sa katapat na programa.  Sa katunayan, kahit nagbalasahan simula noong Lunes at iba na ang katapat nitong show ay nanguna pa rin ito sa ratings sa timeslot nito.
 
Base sa ratings ng mas pinagkakatiwalaan na ratings provider na Nielsen TV Audience measurement, nakakuha ang Kokak ng household audience share na 34.9% sa Mega Manila noong Lunes habang ang bagong katapat nito na Mundo Man Ay Magunaw ay nakakuha lamang ng 22.5%.
 

Kaya naman masayang masaya ang buong production team ng Kokak kabilang na ang bida nitong si Sarah Lahbati na balita namin ay tutulak ngayong Linggo sa Geneva, Switzerland para sa isang Valentine concert kasama ang parehong na-link sa kanya na sina Enzo Pineda at Derrick Monasterio. Gaganapin ang concert sa mismong Valentine’s Day, February 14.
 
Magtatapos ang Kokak sa March 2 at papalit naman dito ang isa pang kaabang-abang na soap na Hiram na Puso starring Kris Bernal, Mark Herras, Bela Padilla, Polo Ravales, Ayen Munji, Gardo Versoza at Ms. Gina Alajar.

- text and photo: GMA Network
Related Posts with Thumbnails