Monday, February 13, 2012

Iza Calzado, Sarah Geronimo and Gutierrez Twins to Guest on Gandang Gabi Vice's Finale Episode

Mark Your Calendar on February 19, Sunday! Dahil ang date na ito ang huling birada ng trending capital show ng bansa, ang “Gandang Gabi Vice”.
 

Hindi lamang pumalo sa TV Ratings Nationwide, dahil linggo-linggo rin ay talaga namang usap-usapan ang every episode nito. Hindi lang dahil kay Vice kundi pati na rin sa mga bigatin nitong mga guests. Patunay na rito, ang pagtretrending nito every Sunday night on Twitter mapa-Philippines man o Worldwide. Kaya naman ang Gandang Gabi Vice ay binansagan as “Trending Capital Show” ng Pilipinas. Walang mintis ang pagtrending!
 
Kagabe nga ay inanunsyo na ni Vice Ganda ang magiging guests niya para sa Final Episode ng kaniyang comedy-live show! Pinangungunahan na ng bagong Kapamilya Star na si Iza Calzado. Kasunod ang Popstar Princess na si Ms. Sarah Geronimo na kung saan ang bago niyang show na “Sarah G Live!” ang papalit sa nasabing show ni Vice. At to end the unkabogable finale episode ay ang Gutierrez Twins na sina Richard at Raymond. Naku po! Patay ka na ngayon Richard Kay Vice! Hahaha!
 
Hindi na bago na may Kapuso Talent na nag-guest sa Gandang Gabi Vice. Nauna na rito sila John Lapus, Dingdong Dantes at kagabi nga ang Soul Diva na si Jaya. Speaking of guests, hindi lang basta puchu-puchu ang kanilang featured stars every week. Ang ilan pa nga dito.. mga kilalang Politicians at Broadcasters katulad na lamang nila Chiz Escudero, Noli De Castro, Karen Davila at Ted Failon.
 
Kung isa kang avid viewers ng Gandang Gabi Vice katulad ko, alam mong hindi dito natatapos ang lahat! Malamang magpapahinga lang ito ng sandali at sa pagbabalik nito ay more BIG stars at personalities ang makakaharutan ni Vice Live! Looking forward for Noynoy Aquino, Vilma Santos, Nora Aunor, Joey De Leon, Vic Sotto, Marian Rivera, Dennis Trillo atbp. : ) Malay natin!
 
So, pagkaabangan na lang natin this upcoming Sunday ang Finale Episode ng Gandang Gabi Vice. Iiyak si Vice! Iiyak Si Vice! Hehehe : ) Like mo na ang official Facebook Page ni Vice Pogi HERE.
Related Posts with Thumbnails