Monday, January 16, 2012

Star Cinema's Valentine Offering this 2012: 'Unofficially Yours' Starring John Lloyd Cruz and Angel Locsin

Ang upcoming romantic comedy movie nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin ang Valentine Offering ng Star Cinema ngayong 2012.
 

Unang nanggaling ang kumpirmasyon sa ad prom director ng Star Cinema, Roxy Liquigan noong nakaraang linggo sa pamamagitan ng kaniyang twitter account.
 
Ang anunsyo na ito ang nagtapos sa katanungan ng mga fans nina John Lloyd at Angel kung kelan nga ba ipapalabas ang nasabing upcoming film ng 2 bidang Kapamilya Stars. Kung matatandaan, sa mga naunang reports. Ang pelikula ay dapat na ipapalabas noong November 2011 na may working title na “What Matters Most”. Ngunit nausog ito sa January 18, 2012 kasabay na pagpapalit ng title from What Matters Most to “Unofficially Yours”. From these changes, hindi naiwasang mag-react ng mga fans (specifically on the playdate) at iprotesta sa Star Cinema na gawin na lamang itong Valentine Offering. Sa pagkakaalam namin sa mga oras na iyon, may naka-sked na ata for February. Ito nga yung “My Cactus Heart” na kung saan bida ang real-life couple na si Maja Salvador at Matteo Guidicelli.
 
Hindi naman binigo ng Star Cinema ang mga fans nina Angel at JLC at final na ang playdate ng sexy romantic film. February na ito at ang napapabalitang Valentine offering ng Star Cinema noon na “My Cactus Heart” na pinagbibidahan din ni Xian Lim ay mauuna nang ipalabas sa mga sinehan NATIONWIDE ngayong January 25 (click HERE for more info about the film).
 
Inupload na ng pamunuan ng Star Cinema ang cinema teaser ng nasabing pelikula nina JLC at Angel sa youtube. At sa kasalukuyan ay mayroon na itong 446,217 views.


Eh pano pa kaya pag FULL Trailer na ang lumabas? Mukhang malalampasan pa nila ang youtube hits ng “No Other Woman” na may bilang sa kasalukuyan na 983, 772. Nagpapakita lamang ito ng pananabik ng mga Pinoy Movie Goers at kanilang mga fans sa kanilang upcoming film.
 

Ang huling pelikula na ginawa ni Angel Locsin ay ang “In The Name Of Love” na kung saan ay nakasama niya rito si Aga Muhlach. Ang pelikula ay kumita ng P117.2 million sa box-office. Samantalang si John Lloyd Cruz naman ay huling nakita sa romantic-comedy movie na “My Amnesia Girl” noong 2010. Si Toni Gonzaga ang kaniyang leading lady sa nasabing pelikula na kumita ng P144.8 million dahilan upang parangalan sila ng SM Department as Box Office King & Queen.
 
Ang “Unofficially Yours” ay under the direction ni Ms. Cathy-Garcia Molina na nakilala sa kaniyang mga romantic-films na “One More Chance”, “A Very Special Love”, “You Changed My Life” at “Miss You Liked Crazy:” Pawang lahat ng pelikulang nabanggit ay kumita ng todo sa takilya at nagtala ng mga box-office records. Kung kaya hindi na kataka-taka kung tumabo rin sa takilya ang bago niyang pelikula sa Star Cinema.
 

Ano nga ba ang story ng “Unofficially Yours”?? Ayon na rin sa mga past interviews ni Ms. Cathy, ang “Unoffcially Yours” daw ay story ng isang lalake na nahulog at umibig sa isang babae na ayaw naman ma-inlove. Nung nainterview minsan si JLC, according to him yung character niya parang okay naman siya magmahal sa isang girl.. pero at the end, nauuwi sa paghihiwalay. So parang ang mindset sa kaniya, anong bang kulang? Ano ba ang tama?. In terms with Angel naman, ang natatandaan ko lang sa interview niya, yung character niya more on na hindi magpapakawawa sa isang lalake. Kung napanood mo na ang teaser, mapag-uusapan rin sa film ang topic about sa “one-night stand”.


Inaasahan by first week of February ay ilalabas na ang official full trailer ng movie gayun na rin ang movie poster at cast photos… Abangan na lang natin : )

photo credit: Star Cinema (3 movie posters), Ina Feleo (JLC-Angel-Ina) & Jayson E. Sarmiento (JLC-angel-Cathy)
Related Posts with Thumbnails