Monday, January 9, 2012

Regine Velasquez & Ogie Alcasid's Valentine's Day Concert "Mr. & Mrs. A"

Balik sa concert scene sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez!
 

Malapit na ang buwan ng mga puso at expected na ang pagdagsa ng mga Valentine Concerts mula sa ating magagaling na OPM Performers/Singers. Nauna na naming naibalita sa inyo ang pagsasama nina Concert King Martin Nieverra at Megastar Sharon Cuneta  sa isang pre-valentine concert na may title na “Once in A Lifetime” (click HERE for more info). 2 pang Top OPM Singers na pawang kaibigan nina Sharon at Martin ang maghahandog rin ng isang unforgettable valentine concert ngayong buwan ng mga puso. Kapuso Singers and real-life couples na sina Regine Velasquez and Ogie Alcasid.
 
Mr. & Ms. A” ang title ng concert na gaganapin sa Smart Araneta Colisuem sa February 14, Tuesday at 8pm. Bagamat hindi na ito ang una nilang concert together, ito naman ay maituturing na unang pagsasama nila sa concert as “husband & wife”. Ang concert na rin na ito ang magsisilbing pagbabalik ng Asia’s Songbird after nyang magbuntis at manganak kay Baby Nate.
 
Special guests sa nasabing concert ay sina Vice Ganda, Erik Santos at Angeline Quinto. Ang “Mr. & Ms. A” Valentine Concert ay handog ng StarMedia Entertainment. To be directed by Randy Santiago and Raul Mitra as Musical Director.

Ilang bahagi ng malilikom sa concert ay ihahandog sa isang Medical Social Service Outreach Program ng Philippine General Hospital na para sa cancer-stricken children.
 
Kung wala pang plano sa Araw ng mga Puso, ang pag-jam kay Mr. & Ms. A ay isang magandang paraan upang i-celebrate and Valentine’s Day. Kaya bili na ng tickets! : )
Related Posts with Thumbnails