Monday, January 16, 2012

Pinoy Big Brother Unlimited 'Intensity 7' Shakes Primetime TV Nationwide; Top 14 Housemates Unveiled

7 Boys, 7 girls na housemates ang pumasok sa Top 14 ng Pinoy Big Brother Unlimited.
 

Noong nakaraang Sabado lamang ay opisyal ng nakumpleto ang Top 14 housemates ni Kuya. Mula sa 2 magkaibang bahay hanggang sa ito’y humantong sa pagsasama sa iisang bahay na lamang ay inilunsad ni Kuya ang “Intensity 7: Wipeout.. Matira ang Matibay” na kung saan mula sa natitirang 20 noong nakaraang linggo ay 14 na lamang ang mananatili sa bahay.
 
Ang unang 10 ay pinagbotohan ng sambayanan sa loob ng isang araw. 5 mula sa Team Wayuk at 5 rin sa Team High Voltage. At ang naging resulta..

Team Wayuk:
Paco Evangelista
Jessica Connelly
Seichi Ushimi
Kevin Fowler
Pamu Pamorada

Team High Voltage
Slater Young
Joseph Biggel
Tin Patrimonio
Carlo Romero
Wendy Tabusalla
Ang natirang sampu ay dadaan sa mga batayan at pagsubok na ibibigay ni Kuya na kung saan ay may-bahagi pa rin sa pagdesisyon ang naunang sampung pasok na sa Top 14. Ang pag-aakalang kaginhawaan ng sampu ay simula pa lamang pala ng matitinding pagsubok na hahamon sa kanilang pagkatao at paninindigan.
 
Naging unang hamon ang pagpili ng 2 mula sa Top 10 housemates na kung sino sa tingin nila ang hindi na karapat-dapat na tumuloy o mapabilang sa Top 14. Sa desiyon ni Wendy, napili niya si Jericho samantalang kay Jessica naman ay si Steph.
 
Sumunod ay hinamon ni Kuya si Tin (High Voltage) at Pamu (Wayuk) sa isang matinding pagsubok. Kung mapagtatagumpayan nila ito ay makakapasok na sa Top 14 sina Ryan at Divine. At sa pagtatapos na hamon ni Kuya, nagtagumpay si Tin (kasama si Slater at Paco) na maitawid si Divine ngunit kabaligtaran naman ng nangyari kay Pamu (kasama si Kevin at Carlo). Nabigo sila sa hamon  dahilan upang hindi na mapabilang si Ryan sa Top 14.
 
Sunod na hinamon ni kuya si Eting na kung saan kailangan mapagtagumpayan nina Seichi at Biggel na magamit ng tama ang “yukelele” na kung saan ay nakilala si Eting. Napagtagumpayan ito ng 2 dahilan upang makapasok si Kuya Eting sa Top 14. Standings: Team Wayuk: 5 vs. Team High Voltage: 7
 
Makalipas ang isang araw ay nagpahayag si Roy (High Voltage) na hindi na siya lalahok sa mga natitira pang hamon. Dahilan  upang humantong si kuya na alisan siya ng chance na makapasok sa Top 14.
 
Apat pa ang natitira ngunit 2 na lamang ang papasok! Muling nagbigay ng hamon si kuya na sumubok sa paninindigan at pagpapakatotoo nina Namprey, Unad, Joya at Denisse. Sa huli, tie ang naging resulta mula kay Joya at Denisse. Pinagbotohan ng 12 housemates na pasok na kung sino ang gusto nilang mapasama sa Top 14. Napili halos ng karamihan si Joya.
 
Ngunit hindi pa nagtatapos ang hamon para kay Joya! Dahil sa kaunting bilang pa lamang ng Team Wayuk na nakapasok sa Top 14, pinagdesisyunan ni Kuya ang 5 Team Wayuk na pumili alin kay Unad o Namprey ang bibigyan ng isa pang chance. At napili nila si Unad. Sa paghaharap para sa ika-13 na puwesto, nagwagi si Joya sa tulong ng Team Highvoltage (w/ Paco) at pagkasawi naman ni Unad na mapabilang sa Top 14.
 
Bagamat nag-iisa na lamang si Denisse ay binigyan pa rin siya ng hamon ni Kuya, isang puzzle game na kailangan niyang makumpleto sa loob lamang ng walong oras. Nabigo si Denisse na mabuo ang lahat na puzzle sa tinakdang oras ngunit binigyan siya ni Kuya ng isang chance pa. Kung mapagtagumapayan niyang makumpleto ang puzzle ay pasok na siya ngunit may matinding alok si kuya, pwede na niyang hindi gawin ang hamon ngunit subalit datapwa’t makakapasok siya bilang isang Team Wayuk na at hindi na Team High Voltage. Inayawan ito ni Denisse at nagsabi na 100% loyal siya sa Team High Voltage. Kinabukasan. Hinamon ni Kuya sina Paco at Slater na gawin ang isa sa mga puzzle na ginawa ni Denise at napagtagumpayan ito ni Paco.
 
Dahil napagtagumpayan ito ni Paco, ang matinding rebelasyon ni Kuya. Sa ayaw man ni Denisse ay kabilang na siya bilang isang Team Wayuk. Standings: Team Wayuk 6 vs Team High Voltage: 8.

Divine Maitland-Smith
Eting Busarang
Joya Genzola
Deniesse Joaquin

Sabado, sa pagtatapos ng gabi ay binigay ni kuya ang unang "After Shock" na kung saan isa sa 8 Team High Voltage ang mapapabilang sa Team Wayuk sa pagtatapos ng linggong ito. Sino kaya ang housemate na ito na magpapantay sa bilang at labanan ng Team Wayuk at Team High Voltage?
 
Sa kabilang banda naman, kasabay sa pagpapakilala sa Top 14 housemates ay ang pagsalubong naman sa outside world sa latest 6 evictees sa pinakasikat na Bahay sa Pilipinas. Ito ay sina Namprey, Unad, Ryan, Steph, Roy at Jericho.


photo credit: Pinoy Big Brother Official Facebook Page
Related Posts with Thumbnails