Wednesday, January 4, 2012

Marian Rivera is Philippines Newest 'Pantasya ng Bayan'

Isa sa pinakasikat na actress ngayon at ang Reyna ng GMA-7, Marian Rivera ang itinanghal na pinakabagong Pantasya ng Bayan sa Pilipinas.
 

Noong December 3, Sabado ay opisyal namin binuksan ang poll/survey para sa paghahanap sa pinakabagong Pantasya ng Bayan. Si Joyce Jimenez ang unang nagmay-hawak nang titulong ito sa kasagsagan ng kaniyang mainit na showbiz career noon. Sa ating makabagong henerasyon, siguro marapat-dapat naman na may bago nang tanghaling at humawak sa titulong “Pantasya ng Bayan”
 
Hindi naging madali ang pagpili namin para sa Final 30. Aming binalikan ang taong 2005 hanggang 2011 upang ilista ang mga artistang Pinay na kinahumalingan at pinantasya ng bansa sa mga nasabing taon. Pagkatapos, binatay namin ang kanilang current-status noong 2011. Kung maingay pa rin ba ang kanilang pangalan at nahahanay pa ba sa listahan ng mga seksing pinay sa ating bansa.  Halos karamihan ay mga bagong mukha pa lamang ngunit talaga namang nag-iwan na ito ng marka sa kaisipan at imahinasyon ng mga kalalakihan at pati na rin sa mga kababaihan.
 

Tumakbo ng halos isang buwan ang naturang poll, at sa huli namayagpag ang alindog at kaseksihan ng Kapuso Star na si Marian Rivera. Kahanga-hanga na matagumpay na napang-hawakan ni Marian ang pagiging Numero Uno simula noong nag-umpisa ang botohan hanggang natapos ito noong December 30, Biyernes. May botong 9,133 si Marian, sapat na para siya ang tanghaling Pinakabagong Pantasya ng Bayan.
 

Halos doble ang lamang ni Marian sa sinundan nito na kapwa Kapuso Actress rin na si Jennylyn Mercado na may botong 4,957. Samantalang pumangatlo lamang ang 2-time FHM Philippines Finest na si Angel Locsin with 3,543 votes. Nasa ika-apat naman si Anne Curtis with 2,524 at ang reigning Philippine’s Sexiest Woman na si Sam Pinto ay nagtapos sa ika-limang puwesto with 2,134 votes. Total Cast Votes: 49,094.
 

Pang-hahawakan ni Marian Rivera ang titulong “Pantasya ng Bayan” sa loob ng isang taon. Mula sa Pinoybizsurfer, binabati namin ang ating Pinakabagong Pantasya ng Bayan, Si Amaya... Si Marian Rivera. Ikaw na Girl! Ikaw na : )
Related Posts with Thumbnails