Monday, January 2, 2012

Kris Aquino, Anne Curtis and Robin Padilla Join Forces in ABS-CBN's Upcoming Primetime Series 'Kailangan Ko'y Ikaw'

Kumpirmado na at wala nang makakapigil pa sa pagsasama muli ng Princess at Queen of All Media Kris Aquino at Anne Curtis sa isang bigating teleserye ngayong taong 2012.
 

Mula sa usap-usapan at biruan ng dalawang Kapamilya Stars ay nagkatotoo na nga ang inaasam nilang pagsasama muli sa isang TV project sa ABS-CBN. Sa interview ni Ms. Kris sa “E-Live” noong sabado, masaya niyang ibinalita sa lahat na tuloy na tuloy na ang teleserye na pagsasamahan nila ni Anne ngayong 2012 na may tentative title na “Kailangan Ko’y Ikaw”. Ayon sa lead star ng Segunda Mano, magsisimula na silang mag-taping by February.
 
Ang “Kailangan Ko’y Ikaw” ay magsisilbing reuninon TV project ng dalawa. Ang una nilang pagsasama ay noong 2004 sa dramaseryeng “Hiram” na kung saan ay tumakbo nang mahigit 10 buwan. Nagkaroon din ng panayam ang E-Live kay Anne Curtis patungkol sa upcoming project niya na ito with Kris. Bakas sa dalaga ang pananabik! Ayon kay Anne, mag-kalevel daw sila ni Kris in terms with the role sa upcoming series na ito ng ABS-CBN.
 
Siyempre sa isang serye kung may leading lady na, dapat may leading man. Bagamat hindi isiniwalat ni Kris ang buong pangalan ay nagbigay naman ito ng clue. Initial name ng actor... R.P daw. Clue pa ba yon?  Very obvious naman na si Mr. Robin Padilla ang tinutukoy ng TV-Host Actress. May bali-balita na rin kasi noong isang linggo pa sa online community ang pagtatambal muli ni Kris at Robin (w/ Anne). At ito na nga iyon!
 
So... subaybayan na lang po natin  sa mga susunod na araw at linggo ang mga updates mula sa ABS-CBN at sa 3 bituin ng “Kailangan Ko’y Ikaw”. Anong say mo sa pagsasama nilang tatlo sa isang TV project? Post mo na : )
Related Posts with Thumbnails