Tuesday, January 24, 2012

It's official: Iza Calzado is now a Kapamilya!

Pagkatapos ng ilang linggong haka-haka at spekulasyon, eto na! Dramatic Actress Iza Calzado is now officially a Kapamilya!
 

Tama po ang nabasa niyo! Ang isa sa pinagmamalaking actress ng GMA-7 na si Iza Calzado ay opisyal ng isang Kapamilya Star! Pumirma na ng 3-years exclusive contract sa ABS-CBN ang 29-year old Award-winning actress kaninang umaga lamang. Present sa nasabing contract signing ang kaniyang Manager, Ms. Cory Vidanes, Ms. Linggit Tan, Director Laurenti M. Dyogi at ang ABS-CBN President & COO Charo Santos-Concio.
 
Hindi rin naging madali para kay Iza na iwanan ang Kapuso Network. Hindi katulad ng ibang artista na lumilipat sa ibang istasyon, may mga current shows naman siya na nilalabasan katulad na lamang ng noontime show na "Eat Bulaga" at musical variety show na “Party Pilipinas”. Ang huling primetime series na kaniyang pinagbidahan ay ang “I Heart You, Pare!” with Dingdong Dantes. In terms with movie ay ang MMFF Entry ng GMA na “Panday 2” with Bong and Marian. Throughout the years, maganda naman ang pangangalaga sa kaniya ng GMA-7.
 
Although wala pa naman tayong naririnig mula sa kaniya kung bakit o ano ang dahilan ng kaniyang paglipat, I think very reasonable naman yung ibibigay niya. Like other stars na lumilipat, siguro.. sa mas ikagaganda ng kanilang career sa mga susunod na mga taon. Subaybayan na lang natin ang mga interviews ni Iza sa mga Kapamilya shows.
 

Sa pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN, anong shows ang dapat abangan sa kaniya? Well, malakas ang bulungan na siya ang papalit kay Sharon bilang host ng “The Biggest Loser Pinoy Edition Season 2”. Asahan na rin siya sa upcoming episode ng MMK. In terms with movie project, ang pagkakaalam namin ay makakasama siya sa 3rd movie na gagawin ni Sarah at John Lloyd ngayong taon. Yung pinakalatest chika, posibleng pagsamahin si Iza, Angel Locsin at Judy Ann Santos sa isang primetime drama series under the direction of Wenn Deramas! Kung mangyari man yun, aba.. BONGGA!
 
Ang first live appearance ni Iza bilang isang Kapamilya ay magaganap ngayong darating na linggo sa ASAP 2012 kung saan may grand welcome na ibibigay sa kaniya.

photo credit: Iza Calzado Facebook Page & ericjohnsalut
Related Posts with Thumbnails