Monday, January 9, 2012

Angeline Quinto Trips On Stage during Her Performance on ASAP 2012 (Video)

The show must go on! Eto ang nakitang fighting spirit at professionalism sa Female Pop Superstar na si Angeline Quinto kahapon sa ASAP 2012.
 

Live na Live! ang top-rating Sunday musical variety show ng ABS-CBN na ASAP 2012 kahapon. As expected, puno ng kantahan at sayawan ang inihandog ng mga ASAP stars para sa mga Kapamilya viewers. Isa na rito ang Star Power 1st Female Pop Superstar na si Angeline Quinto.
 
Isa sa mga inaabangan ng kaniyang mga fans ang kanyang Segment na  “Pinoy Champs” na kung saan nakakasama niya rito ang iba pang Kapamilya singing champions na sina Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy at Yeng Constantino.
 
Kahapon kaniyang inawit ang isang hit song from the Pinoy-girl band “Aegis”, ang “Mahal na Mahal Kita”. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap during her performance on stage. Sa kalagitnaan kasi ng kaniyang pagkanta ay nadapa ito habang paakyat ito sa isa pang stage sa harapan. Kitang-kita ang pagkadapa ng nasabing young singer. Ngunit imbes na maging hadlang ito sa kaniya, mabilis na tumayo si Angeline at ipinagpatuloy ang pagkanta na tila walang anumang nangyare. Umani ito ng palakpakan at sigawan sa live audience.


Gayun na rin ang mga manonood sa mga bahay at mga online users sa mga oras na yun dahil after the incident, nag-trending si Angeline Quinto sa twitter hindi lamang sa Philippines kundi Worldwide! Saludo kami sa iyo Angeline! : ) Yan ang tunay na OPM Performer!

Check out the video below:


(uploaded by YouTube user ABSCBNTVCAPTURE101)
Related Posts with Thumbnails