Thursday, January 26, 2012

ABS-CBN's official statement on "Happy Yipee Yehey"

Naglabas na ng official statement ang pumunuan ng ABS-CBN tungkol sa napapabalitang pagtatapos ng kanilang noontime show na "Happy Yipee Yehey".


"Ang “Happy Yipee Yehey” (HYY) ay magtatapos, kasabay ng grand finals ng "My Girl" na gaganapin sa AFP Theater sa Sabado, February 4, 2012
 
Lubos na nagpapasalamat ang ABS-CBN sa lahat ng hosts at production staff ng HYY para sa kanilang hard work at kontribusyon sa pagbibigay ng isang "happy, yipee, yehey" experience sa mga manonood sa loob ng isang taon.
 
Taos puso na pasalamat din ang aming ipinapaabot sa mga manonood dito sa Pilipinas at sa labas ng bansa sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa buong mundo para sa suportang ibinigay nila sa programa.
 
Ang HYY hosts ay bibigyan ng mga bagong proyektong na patuloy na magbibigay kasiyahan sa mga manonood."
--Bong Osorio, Head of ABS-CBN Corporate Communications
Related Posts with Thumbnails