Monday, January 2, 2012

2011 MMFF Box-Office Update: 'Enteng Ng Ina Mo' Grosses P183-M in Just 1 Week, 'Segunda Mano' Overtakes 'Panday 2' for Second Place

Patuloy na pinipilahan at tinatangkilik ng buong sambayanan ang fantasy-comedy film nina Bossing Vic Sotto at Aiai Delas Alas na “Enteng Ng Ina Mo”.
 

Sa kalalabas lamang na box office figures mula sa pamunuan ng MMDA ngayong hapon, nananatiling NUMERO UNO ang pelikulang “Enteng ng Ina Mo”. Ito ay may ticket sales na P183.21 million sa loob lamang ng isang linggo (Dec. 25, 2011 to Jan. 1, 2012). Sinundan naman ito ng Segunda Mano na pinagbibidahan ni Kris Aquino na may box-office gross na P94.63 million. Tinalo ng horror-suspense movie ni Kris ang sequel fantasy film na “Panday 2” ni Sen. Bong Revilla na may kitang P86.31 million.
 
Sa puntong ito, masasabi ng ang pelikulang “Enteng ng Ina Mo” nina Bossing Vic at Aiai ang “Top-Grossing MMFF Film” ngayong taon dahil sa sobrang laki ng lamang nila sa pumapangalawa na Segunda Mano. Speaking of Segunda Mano, paniguradong masayang-masaya si Kris sa tinatakbo ng kaniyang latest horror-film. Mukhang matutupad ang kaniyang ninanais na mag-no. 2 ang kaniyang pelikula. Ngunit maaari pang humabol ang Panday 2 dahil halos may anim na araw pa na tatakbo ang 37th MMFF.

37th MMFF (2011) Official Figures
(Dec. 25, 2011 to Jan. 1, 2012)

1. Enteng Ng Ina Mo - P183,213,717.35
2. Segunda Mano - P94,629,812.45
3. Panday 2 - P86,316,624.55
4. My Househusband - P42,587,787.58
5. Shake Rattle & Roll 13 - P41,935,473.35
6. Asiong Salonga - P31,781,973.55
7. Yesterday Today Tomorrow - P7,359,070.85

Total: P477,824,459.6

Photo from Star Cinema Facebook Page
Related Posts with Thumbnails