Wednesday, June 15, 2011

Bato ni Darna, nasa Kapamilya Network na! Angel Locsin, tanggapin kaya muli ang bato?

Eto na ang usapan ngayon at pag-uusapan pa sa mga susunod na linggo! Bato ni darna hawak na ng ABS-CBN. Ito po ay totoo at  walang halong chismis at ka-echosan!
 

Masayang ibinalita ni Mr. Eric John Salut, AdProm Head ng Kapamilya Network sa kaniyang official twitter account na nakuha na ng ABS-CBN ang exclusive rights ng 13 Mars Ravelo titles kabilang na ang Darna, Dyesebel, Jack En Jill atbp. (narito ang naturang tweet ni Mr. Eric kaninang umaga)



Mabilis na kumalat ang balita sa twitter world at tila virus na kumalat at patuloy na kumakalat ngayon sa Facebook at PEX World. Marami ang natuwa sa ibinalita ni Mr. Eric lalo na ang mga loyal kapamilya.

Bagamat matagal pa nating malalaman kung sino ang gaganap sa mga naturang higanteng roles, tila ba ang mga solid Kapamilya viewers ay may favorite na sa bawat role. Si Anne Curtis para sa Dyesebel at Si Angel Locsin muli para sa Darna. Ngunit marami ang nagkaroon ng interest pag-usapan muna ang Darna Role. Lalo na kung saan ay ikinakabit na muli ito kay Angel Locsin. (Hindi na rin lingid sa lahat na lubos na nakilala si Angel dahil sa pagganap niya bilang Darna noong 2005 sa GMA-7 kung saan nagtala ng TV Rating record si Angel sa kasaysayan ng telebisyon). Huling nasilayan si Darna sa telebisyon sa katauhan ni Marian Rivera noong 2009 kung saan nagtala rin ito ng magandang record sa TV Ratings.

Ngayong hawak na ng ABS-CBN ang bato ni Darna hindi pwedeng hindi mag-speculate ang mga tao na pedeng si Angel Locsin muli ang maghawak at magsubo ng bato di ba? May nabasa nga akong isang comment mula sa Facebook. Kung hindi rin daw si Angel ang gaganap bilang Darna, eh sino daw ang may K na gumanap? Unless daw, bagong artista ito. Ang tanong tanggapin kaya ni Angel ito if ever ialok sa kaniya ito ng Management ng ABS-CBN? Mukhang nakikinita ko na, na marami ang magtataas ng kilay at uulan ng hindi magandang kumento kung mangyari man ito lalo na yung mga Anti-Angel. Paniguradong yayanig na naman ang kumpetisyon at pagkukumpara kila Angel at Marian maski personal ng sinabi ng dalawang maganda at seksing artista ng bansa na okay silang dalawa. Tama?..!

Kung ikaw ang tatanungin, ngayong nasa Kapamilya Network na ang bato ni Darna, sinong Kapamilya Actress ang gusto mong gumanap nito? Kung ikaw naman si Angel at ialok sa iyo muli ang bato, sasambitin mo ba muli ang klasikang linya na  “Ding ang bato!” at muling isisigaw ang “DARNA!” Comment na! : )

(para sa mga nagbabalak na i-copy ang buong article at i-paste sa iba't-ibang site gaya ng facebook, parang awa niyo naman, ilagay niyo naman po yung link namin as your source. Okay po ba yun? Salamat.)

photo credits to the respective owners

‘In The Name Of Love’ Rakes P117.23-M in 5 Weeks

In the Name of Love”, Star Cinema’s 18th anniversary movie offering starring Jake Cuenca, Angel Locsin and Aga Muhlach has already accumulated P117.23 million at the box-office after 5 weeks of showing in theaters.
 
Related Posts with Thumbnails