Sunday, December 11, 2011

Toni Gonzaga, Sarah Geronimo and Bea Alonzo Renew Contract with ABS-CBN

Pik, Phak, Boom! Mananatiling Kapamilya ang mga in-demand Female Leading Lady stars na sina Toni Gonzaga, Sarah Geronimo and Bea Alonzo.
 

Sa buong linggong ito, tatlong big stars ng bansa ang nag-renew ng kontrata sa Kapamilya Network. Eto ay sina Toni Gonzaga, Sarah Geronimo at Bea Alonzo. Tuluyan na nga nilang tinuldukan ang mga spekulasyon at isyung paglipat sa ibang network
 

December 6, Tuesday – Kasama ang kaniyang ina na si Mommy Divine at manager Boss Vic Del Rosario, humarap si Sarah Geronimo sa mga Big Boss ng ABS-CBN na pinangungunahan ng presidente nito na si Ma’am Charo Santos-Concio upang mag-renew ng exclusive-contract sa Kapamilya Network. Sa hakbang na ito ay nagtapos na ang walang kamatay-matayang issue sa diumano’y paglipat ng nasabing singer-actress sa TV 5. Ilan sa mga gagawin ni Sarah sa mga susunod na buwan ay isang TV show na may tentative title na “Sarah” at isang movie project na kung saan makakasama niya muli sa ikatlong pagkakataon si John Lloyd Cruz.


Speaking of John Lloyd, ang kaniyang pinakamatagal na ka-love team naman na si Bea Alonzo ang sumunod na nag–renew ng kontrata sa Kapamilya Network noong December 7, Wednesday. 2 ½ years ang pinirmahan ni bea at ilan sa mga upcoming projects na gagawin niya ay ang balik tambalan nila ni John Lloyd sa primetime. Ayon sa 24-year old dramatic actress, naka-set na silang magtaping sa February 2011. In terms with movie projects, matuloy na kaya ang unang pagsasama nila ni Angel Locsin?
 

Kinabukasan, December 8 ay isa pang naging leading lady ni John Lloyd sa big screen ang nagrenew ng contract. Walang iba kundi ang Multimedia Star na si Toni Gonzaga. Bago pa man ma-issue ang 27-year-old singer-actress sa “lipatan” factor.. inunahan na niya ito. Kasama niya sa contract signing ang kaniyang proud parents na sina Mr. Carlito and  Mrs. Crisanta (Pinty). Three-year contract ang nilagdaan ni Toni bilang isang solid na Kapamilya star. Patuloy na mapapanood si Toni sa mga shows na “HYY”, “ASAP Rocks”, “Pinoy Big Brother” at “The Buzz”.
 
Bottomline nito... Solid kapamilya pa rin si Sarah, Bea at Toni. Kung may mag-isyu pa rin na lilipat sila.. Isa siyang Echoserang Frog.. : )
 
Bago pa man nag-renew ng kontrata ang nasabing tatlong aktres ay nauna nang pumirma ang iba pang hottest stars ng ABS-CBN. Eto ay sina Pokwang, Angelica Panganiban, Shaina Magdayao, Maja Salvador, Erich Gonzales, Enchong Dee, Kim Chiu, Gerald at ang pinakalatest, si Anne Curtis.

photo credit: MJ Felipe (for Sarah & Bea contract signing) & Eric John Salut (for Toni G. contract signing)
Related Posts with Thumbnails