Monday, December 19, 2011

'RnB Sistah' Krizza Neri is Protégé’s Grand Winner

Ang pride singer ng Cagayan de Oro, ‘RnB SistahKrizza Neri ang itinanghal bilang First Ever Protégé Grand Winner!
 

Dumagundong ang Center Stage ng SM Mall of Asia kagabi, December 18 dahil sa pagpapakitang-gilas ng Top 3 Finalists ng Protégé na sina Krizza Neri, "Pop Sweetheart" Lirah Bermudez at "Singing Cinderella" Lovely Embuscado para sa final battle ng Protégé: The Battle for the Big Break.
 
Bigay-todo ang tatlo sa kanilang performances at pinatunayan sa lahat kung bakit sila ang naging Final 3. Dahil ito’y isang contest, isa lamang ang pwedeng manalo at tanghalin pinakabagong singing sensation ng bansa. At sa pagtatapos ng gabi, itinanghal na Grand Winner ang Protégé ni Aiza Siguerra na si Krizza Neri.
 

Bilang Grand Winner, naiuwi ni Krizza ang mga bonggang prizes na 1 milyong piso, 2-bedroom condo unit sa Suntrust Adriatico Gardens sa Maynila na nagkakahalaga ng 3-milyong piso, 4-year scholarship grant mula sa STI College at 5-year contract with GMA Artist Center.
 
Samantala, ang Texters’ Choice and Skyflakes Biggest Break Award ay parehong nakamit ng Davaoeñang si Lovely Embuscado (Jaya‘s Protégé).
 
Kung tutuusin, walang umuwing luhaan sa tatlong finalists. Kagaya ni Krizza, makakatanggap rin ng 4-year scholarship grant mula sa STI College at 5-year contract with GMA Artist Center sina Lovely at Lirah Bermudez ng Iloilo (Janno’s Protégé).
 
Congrats sa’yo Krizza! : ) P.S. Nakalimutan ko pa lang i-add na nag-TRENDING si Krizza kagabe sa twitter. Take note. Hindi lamang sa Pilipinas kundi Worldwide. San Ka Pa?? Congrats ulit!



All photo credit goes to the respective owners..
Related Posts with Thumbnails