Wednesday, December 14, 2011

'Anne Curtis' 'Annebisyosa… No Other Concert' this January 28, 2012!

Tuloy na tuloy na ang unang major concert ng Princess of All Media Anne Curtis sa Smart Araneta Coliseum next year!
 

Matatapos na ang taong 2011 pero ayaw pa rin paawat ng mga blessings na dumadating para sa Kapamilya Actress. Nitong linggo lamang sa ASAP Rocks ay muling nagkamit ng karangalan si Anne Curtis para sa kaniyang album na “Annebisyosa”. Pagkatapos ma-achieve ang gold status noong Oktubre, naglevel up na ito sa “Platinum” ngayong buwan.
 
Mula sa kinatawan ng Viva Records, ipinagmamalaki nilang inaward kay Anne na ang kaniyang debut album ay certified platinum (already sold 15,000 copies) na! Nagpasalamat ang bagong diva para sa latest achievement na kaniyang natanggap. Ginamit na rin ni Anne ang pagkakataon na iyon upang sabihin ang kaniyang major-major na announcement. Dahil siyempre, kung may album dapat sunod na niyan concert na di ba? Kaya naman dahil sa sobrang pagtangkilik ng sambayanan para sa Kapamilya Actress, napagdesisyunan ng Management ng Viva na magka-concert na si Anne. At hindi-biro ang first major concert ah’ Smart Araneta kagad ito! Ayon kay Anne, ito ang first-stop ng World Tour ng Concert niyang may title na “Annebisyosa... No Other Concert (World Tour)”. Taraaayy! Anssaaabbbee?! Sa January 28, 2012 ang nasabing concert na kung saan ilan sa magiging guest niya ay sina Sarah Geronimo at Vice Ganda.
 
Available na ang tickets sa lahat ng Ticketnet outlets. Narito ang mga ticket prices Patron AP3000, Patron BP3000, Lower BoxP2500, Upper Box AP1500 at Upper Box BP700.
 
Sa lahat ng nagmamamahal at sumusuporta Kay Anne Curtis, bili na kayo ng tickets  bago mag-sold out pa : )
Related Posts with Thumbnails