Wednesday, November 23, 2011

Precious Lara Quigaman and Sylvia Sanchez Star in 'Aswang' Episode of 'MMK' this Saturday

Kakaibang pagkakaibigan ang tampok sa ‘Aswang’ episode ng “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Nobyembre 26).
 

Tuklasin kung papaano tinanggap at kinalinga ni ‘Analina’ (Precious Lara Quigaman) si ‘Poying’ (Sylvia Sanchez), ang kinatatakukang ‘aswang’ sa kanilang lugar. Ano nga ba ang sukatan ng tunay na pagkakaibigan? Karapat-dapat bang panindigan ang taong hinusgahan nang masama ng lipunan?
 
Sa ilalim ng direksyon ni Jerry Lopez Sineneng at sa panulat ni Joan Habanna, bahagi rin ng ‘Aswang’ episode sina Kathleen Hermosa, Dionne Monsanto, Gerald Madrid, Lui Villaruz, Maliksi Morales, Lui Manansala, at Khaycee Aboloc.
 
Patuloy na tutukan ang pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng longest-running drama anthology ng Asya, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng “Junior Master Chef Pinoy Ed’ition.”

Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.faceboook.com/MMKOfficial.

courtesy of ABS-CBN
Related Posts with Thumbnails