Thursday, November 17, 2011

Anne Curtis will Conquer Smart Araneta Coliseum on January 29

Ang Taray..!” Eto kagad ang aking unang nasabi ng mabalitaan ko kaninang hapon lang ang isang “explosive” na balita tungkol kay Anne Curtis.
 

Hindi ito scandal, issue o anumang bad publicity sa naturang young Kapamilya actress. Kung hindi panibagong milestone na naman kay Anne sa kaniyang matagumpay na career. Well, nung mabalitaan namin na nag-gold na ang debut album ni Anne na may titulong “Annebisyosa” noong nakaraang buwan at super-successful ang mga mall tours niya, may palagay na kami na concert ang next dito.
 
Well nagkatotoo nga ang aming palagay! Hindi sa Aliw Theater o Music Museum kundi sa Smart Araneta Colisuem kagad ang unang major solo concert ni Anne. Tarraaayy! Di ba?? Ayon sa article ni Salve Asis sa Pilipino Star Ngayon, mismong si Mr. Vic del Rosario ng Viva daw ang nag-confirm ng nasabing concert na may pamagat na “Annebisyosa”. At ayon pa rito, after sa Smart Araneta, eh world tour naman daw ang next para kay Anne. Superstar na Superstar talaga si Anne : )
 
Kaka-perform lang ni Anne sa Smart Araneta nung 11.11.11 bilang guest sa concert nina Mr. Martin Nievera at bandang Side A. Biro pa nga daw ni Mr. Nievera after ng concert ay ayaw na raw nitong makasama si Anne dahil sigawan ever daw talaga ang mga tao nung gabing iyon..
 
Hindi na kami magugulat kung mapupuno ng aktres ang Smart Araneta sa January 29 dahil kung supporters at fans ang pag-ussapan, eh hahakot ito ng tiba-tiba! Malamang maging guest nito sa kaniyang concert ang Showtime Family niya kagaya ni Vice, Vhong, Karylle at Billy. At if ever man na mabasa ito ni Ms. Anne, hinahamon namin siya na makipag-showdown sa nag-iisang Song Bird Ms. Regine Velasquez. Bongga di ba? Sana pumayag si Ms. Reg if ever alukin ito ni Anne na mag-guest.
 
Congrats in Advance kay Ms. Anne Curtis! At sa totoo lang... ang taong 2011 ay sinakop at pinagmay-ari ni Ms. Anne. Aminin sa mga fans ni Angel, Bea, Sarah, Kim at Marian : )

photo credit: Anne Curtis
Related Posts with Thumbnails