Tuesday, October 25, 2011

'Reputasyon' Extended until January 2012, New Characters to be Added

Extended ng dalawang buwan ang Reputasyon na pinagbibidahan ng Kapamilya star na si Cristine Reyes.
 

Dapat November magtatapos na ang Reputasyon. Pero salamat kay Lord, nagustuhan ng viewers ang Reputasyon kaya matapos malipat 'yung time slot namin mula 2pm to 5pm, ngayon naman ma-e-extend po ang show hanggang January 2012," sabi ni Cristine.
 
Ayon sa Kapamilya star, ang tagumpay ng Reputasyon ay dahil sa ganda ng kwento nito at sa husay ng mga artistang gumanagap dito.
 
Sa palagay ko ang sikreto ng tagumpay ng Reputasyon ay ang pagtutulungan naming mga artista at ng mga direktor. Ako mismo, nakikinig talaga ako sa instructions ng direktor namin. Kapag mali yung mga ginagawa ko sa pag-arte, tinatama ko agad para sa ikabubuti ng show," aniya.
 
Kuwento ni Cristine, bukod sa mga kapanapanabik na pagbabago sa buhay ni Agnes delos Santos, dapat ring abangan ng mga fans ng Reputasyon ang mga bagong karakter na tiyak na magdadagdag kulay sa istorya.
 
Tutukan kung paano haharapin ni Agnes ang sa mga rebelasyong nakatakdang sumiklab sa buhay ng kanyang pamilya at sa pag-iibigan nila ni Henry (Rayver Cruz) sa top-rating Kapamilya Gold teleseryeng Reputasyon bago ang Maria la del Barrio sa ABS-CBN.
 
Courtesy of ABS-CBN
Related Posts with Thumbnails