Friday, September 9, 2011

‘SNN: Showbiz News Ngayon’ Airs its Final Episode Tonight

Ngayong gabi na ang huling broadcast tinaguriang “Philippine Primetime Entertainment News Program” ng Kapamilya Network, ang “SNN:  Showbiz News Ngayon”.
 

Marami ang nagulat at nalungkot sa mga nakaraang araw sa balitang pamamaalam ng nasabing entertainment news program. Halos mahigit 2 taon din kasing umere ang programa kung saan ay naghatid at nagbalita ng latest and hottest showbiz news and scoops.
 

Matatandaan ang SNN ay nagsimula noong Pebrero 2009 na kung saan ang real-life na mag-best friend na sina Kris Aquino at Boy Abunda ang unang nag-host nito. Makalipas ang isang taon, nag-leave si Ms. Aquino sa naturang show upang  mag-focus sa presidential campaign na kaniyang kapatid na lalaki at kasalukuyang Presidente na si Mr. Noynoy Aquino. Sa panahon ng pangangampanya, humalili muna sa puwesto ng Queen of All Media ang mga PBB Hosts na sina Mariel Rodriguez, Bianca Gonzalez at Toni Gonzaga bilang mga guest anchors.
 

Sa pagkapanalo ng kapatid ni Ms. Kris, marami ang umaasa na full-time back na ang TV-host/actress sa paghohost ng SNN ngunit noong Hunyo 2010 ay nag-anunsyo si Ms. Kris ng kaniyang pamamaalam sa SNN gayun na rin sa isa pa niyang show na “The Buzz” para na rin makaiwas sa mga issues na maaaring niyang ma-ilikha sa kaniyang 2 shows na nabanggit bilang hosts na maaaring makaapekto habang nakaupo ang kaniyang kapatid na si Pres. Noynoy.

Naging palaisipan tuloy sa mga masugid na tagasubaybay kung sino ang papalit sa puwesto ni Ms. Kris. Napabalita pa nga noon na si Ms. Gretchen Barretto ang papalit ngunit opisyal na ipinakilala si Bianca Gonzalez bilang bagong anchor host ng SNN.
 

Ang SNN: Showbiz News Ngayon ay hindi lamang nagsilbing isang news program kundi naging interactive rin ito. Nagsimula sa through text voting kung saan every night ay may poll question na pagbobotohan ng mga home viewers. Nang lumaon, nabuo ang new segment ng news program ang “Isang Tanong, Isang Sagot” na kung saan hinihikayat ng programa ang mga tao na magtanong sa kahit sinong artista sa makabagong paraan ng komunikasyon, ang Facebook at Twitter. At sa bawat gabi ay pumipili ang programa ng isang tanong para sa isang artista at sagutin ito “straight-to-the-point”. Napalitan ito ng bagong segment, ang “SNN’s Tanong All You Can” kung saan sasagutin ng isang artista ang mga katanungan na ipinost ng mga online users via SNN’s official twitter account.
 

Inaasahan na magiging emosyonal mamayang gabi sina Boy at Bianca sa kanilang pamamaalam. Lalo na’t 5 araw nila itong ginagawa sa isang linggo.

Kung tutuusin, hindi rin nawalan ng programa ang 2 hosts. Si Boy kasi ay mapapasama na sa "Bandila" habang si Bianca naman ay balik "E-Live" na!
 
Sa mga masugid na late-viewers ng SNN, pagka-abangan ang huli nitong broadcast ngayong gabi. “Ito ang SNN: Showbiz News Ngayon:(

photo credits to respective owners
Related Posts with Thumbnails