Wednesday, September 21, 2011

Mariel Rodriguez Shocking Confession: "Sa totoo lang po, ako I have no problem with the other hosts. But Toni doesn’t like me. It’s very obvious that she can’t stand me, sad to say"

Nakakaloka ang e-mail na aming natanggap at nabasa kaninang alas-4 ng hapon. Patungkol ito sa kumakalat na kontrobersyal text na diumano galing sa TV host at ngayon ay bagong Kapatid Star na si Mariel Rodriguez.
 

At narito ang nilalaman ng text.. “Sa totoo lang po, ako I have no problem with the other hosts. But Toni doesn’t like me. It’s very obvious that she can’t stand me, sad to say.” Kalokah!! Well, siyempre noong una.. may doubt kame kung totoo talagang galing kay Mariel ang naturang text. Baka naman may nag-imbento na naman like recently yung kay Oprah na kung saan pinaniwalaan ng buong sambayanan.
 
Ni-research namin ang naturang text at napag-alaman namin na ang text pala talaga ay galing mismo kay Mariel na kung saan ay ipinadala niya mula sa “Funfare” ni Mr. Ricky Lo sa philstar (click here to see the article).
 
Kalurkey! Pasabog ito ah! Nalaman na kaya ito ng kampo ni Toni? Ano kaya ang reaksyon niya mula dito? Shock pa rin kami. Kasi dun sa HYY episodes nila, mukhang masaya at okay naman ang 2. Ano yun?? On-air lang yun? Then pag commerical na, dedmahan na??? Hmm.. Ilang months na rin ang HYY, at kung sa simula pa lang at di na sila okay, eh di naibalita na yun sana noon pa? Baka recently may hindi magandang nangyare sa pagitan ng 2 hosts. Ano sa tingin niyo?? Kalungkot naman for them.. Ano po reaksyon niyo??
Related Posts with Thumbnails