Sunday, September 4, 2011

Coco Martin and Matteo Guidicelli caught up in a feud after the Star Magic Ball

Usap-usapan ngayong umaga ang napabalitang pag-aaway ng 2 Kapamilya Actor na sina Coco Martin at Matteo Guidicelli right after ng Star Magic Ball kaninang madaling araw.
 

Halos laman ng lahat ng online entertainment websites ngayon ang nasabing insidente na kinasangkutan ng 2 nasabing aktor. Ayon sa mga naunang reports at base na rin sa mga taong nakasaksi sa pangyayari, si Matteo daw ang unang gumawa ng aksyon na malaking ikinagulat ni Coco. Hinila daw ni Matteo ang damit ni Coco at biglang sinakal daw ito upang maging hudyat para sa indie prince actor na lumaban at humantong na suntukin nito ang My Binondo Girl Actor. Ayon sa mga nakakita, duguan daw ang bibig ni Matteo habang paalis ito sa hotel. Samantalang, may nakakita daw kay Maja na umiiyak palabas ng hotel makalipas ang ilang minutong pag-alis ni Matteo.
 
Naganap ang nasabing insidente sa Salon de Ning Bar sa loob pa rin ng Manila Peninsula Hotel na kung saan ginanap ang Star Magic Ball.
 
Pawang magkakahiwalay at solo (w/out date) na dumating sa event sina Coco Martin, Matteo Guidicelli at Maja Salvador.
 
Noon pa mang kasagsagan na teleseryeng pinagsasamahan nina Maja at Coco na kung saan sila ang magkapareha, marami na ang nakakaalam mula sa mga press at sa kapwa nila Kapamilya Stars na talagang nagseselos nga raw si Matteo kay Coco. Ngunit karamihan sa kanila ay hindi nila inaakala na aabot sa ganitong kalaking pangyayari ang lahat. Si Matteo ay ang napapabalitang boyfriend ngayon ni Maja. Samantalang inamin ni Coco sa mga past interviews niya na malaki ang paghanga niya sa dalaga.
 
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring malinaw na detalye kung ano naging cause nang pag-aaway ng dalawa aktor at kung ano pang pangyayari at anggulo ang hindi naisisiwalat na hindi nakita ng mga nakasaksi.
 
Inaasahan ng marami ngayon na iuulat mamayang hapon sa The Buzz ang buong detalye ng insidente na kinsangkutan ni Coco at Matteo. Gayun na rin ang panig ng dalawang aktor. Marahil sa mga susunod na araw ay ipapatawag ng Management ang 2 aktor sa pamumuno ng Star Magic Head na si Mr. Manahan upang ayusin ang gusot at hidwaan.
Related Posts with Thumbnails