Thursday, July 21, 2011

Star Cinema's "p'Wedding Tayo, p'Wedding Hindi!" Movie

Miss mo na ba mag-comedy sila Toni Gonzaga at Eugene Domingo sa pelikula? Pwes! Iyong pagka-abangan ang upcoming movie nila together this 2011 under Star Cinema na may title na “p’Wedding Tayo, p’Wedding Hindi!”.
 

Ito ang follow up movie ni Toni Gonzaga after her super-box-office movie with John Lloyd na “My Amnesia Girl” noong Nobyembre 2010. Samantalang si Eugene Domingo naman ay huling napanood sa isang Star Cinema film sa MMFF entry ng nasabing film outfit na may pamagat na “Ang Tanging Ina Mo (Last na 'To!)” last year kasama ang Best Friend na si Ai Ai.
 
Hindi ito ang kauna-unahang pagsasama ni Toni at Eugene sa isang pelikula. Nagkasama na sila noong 2006, sa pelikulang “You Are the One”. Ang pinagkaiba dito sa movie nila ngayon, hindi lang si Toni ang bida, kundi pati si Eugene rin!
 
Siyempre kung may leading ladies, dapat may gwapong leading man. Hindi lang basta gwapo, hunky pa! Makakasama at makikigulo sa pelikula sina Wendell Ramos at Zanjoe Marudo.
 
Ang “p’Wedding Tayo, p’Wedding Hindi!” ay sa direksyon ni Jose Javier Reyes. Ilan sa mga comedy films na nagawa niya ay ang “Working Girls”, “Status: Single” at ang  blockbuster movies kasama si Judy Ann at Ryan na “Kasal, kasali, kasalo” at “Sakal, sakali, saklolo” ng Star Cinema.
 
Abangan ang kwelang tandem ni Eugene at Toni sa pelikulang “p’Wedding Tayo, p’Wedding Hindi!”.
Related Posts with Thumbnails