Tuesday, July 12, 2011

Anne Curtis to release First Solo Studio Album titled "Anne-Bisyosa"

Mukhang tuloy-tuloy na ang pag-career ni Anne Curtis sa kaniyang bagong discovered talent, ang “singing”.
 

Madalas natin siyang napapanood sa mga segway niyang pagkanta sa kaniyang mga shows gaya ng ASAP Rocks at Showtime. At karamihan pa dito ay matataas na mga kanta kagaya na lamang ng favortie niyang song na “Total Eclipse of the heart”. May isang beses nga sa isang episode ng ASAP Rocks na nakipag-showdown siya kay Sarah Geronimo (click here to watch the said episode). Mula sa atin ay parang funny sides lang ito ni Anne pero mukhang sa Best Supporting Actress ng Luna Awards ngayong taon, ito ay isang skill na kaniya dapat i-develop at "career kung career".
 
Kung tutuusin, super sikat na ang Kapamilya Actress and TV Host sa kaniyang pagkanta. Trademark na ang kaniyang “PAPAUMAMAW” at ang “daily chant” niya sa Showtime. May solo song siya sa album ng Showtime. Ang “We'll Get There” (click here to hear the song). Gayun na rin ang kaniyang mga kasalukuyang commercials na may temang music video mula sa kanyang ini-endorse na sabon at napkin.

Kung ating babalikan, sa mga nakaraang buwan, nabanggit ni Anne sa mga interviews niya na ang kaniyang naging wish nang tanungin siya ng Viva Company Bosses kung ano ang gusto niyang matanggap sa kaniyang birthday, Sinagot ng dalaga ang magka-ALBUM. Sabeeee?

At natupad na nga ang wish ng dalaga! Kinagat ito ng mga Bosses ng Viva at anytme this year ay ma-iirelease na ang kaniyang kauna-unahang album. Ayon sa scoop ng pep, ang album ay may titulong “Anne-Bisyosa”. Ang cute diba?? Ilan sa songs sa album ni Anne ang kaniyang favorite na kantahin na "Total Eclipse of the Heart," kung saan ka-duet niya dito si Sarah Geronimo. "Alone," at "Too Many Walls." Nabanggit rin sa scoop ng pep na may duet din sila ni Andrew E. Ganda ng lola mo noh? Sana meron din sila ni Vice(mash-up) at Vhong (love songs-mala-Way Back Into Love ang dating). Agree?

Congrats Girl! Ikaw na! Mukhang alam na namin ang susunod mong target... Concert! Music Museum? O Araneta Coliseum?? Anyway, congrats in advance! Go for the GOLD.. Ay mas mataas pala ang platinum pag album..Go for the PLATINUM.. hehe :)

photo credits to VIVA
Related Posts with Thumbnails