Monday, July 4, 2011

'The Adventures of Pureza' and 'Temptation Island' in Box Office Battle this July

Ngayong Hulyo, dalawang exciting na pelikula ang mapapanood ng mga Pinoy Movie-goers. 


Una na dito ang remake ng 1980 epic-film na 'Temptation Island' na pinagbibidahan ng limang dyosa ng Kapuso Network, Lovi, Solenn, Heart, Ruffa Mae at Marian. Pangalawa, ang first starring lead role sa pelikula na tinaguriang Prinsesa ng Masa, Melai Cantiveros  - The Adventures Of Pureza "Queen of the Riles".

Parehong comedy ang tema ng dalawang pelikula. At kung babalikan ang mga nakaraang taon, ganitong tema ang pumapatok sa takilya sa mga Pilipino. Sa Miyerkules, July 6 na ipapalabas ang Temptation Island (GMA and Regal Films). Samantalang sa susunod namang Miyerkules, July 13 ipapalabas ang The Adventures of Pureza, Queen of the Riles (Star Cinema and SineScreen).

Kung susuriin ang dalawang pelikula, maituturing na mas malaki ang pelikula ng Temptation Island dahil na rin sa mga bida nito at produksyon kesa sa The Adventures of Pureza. Ngunit sa panahon ngayon, hindi na ito ang masyadong nagiging batayan para masabing magiging “box-office” ang isang pelikula. Karaniwan kasi, sa ganda ng pagkakagawa ng istorya at pelikula ang pamantayan ngayon ng mga manonood. Sabi nga nila, kung gaano man kalaki ang pelikula eh kung hindi naman maganda ang story.. Waley sa box-office. Vice Versa, may di-kalakihan na pelikula pero maganda ang story. Isang Phak! na box-office result.

Pawang maganda ang trailer ng dalawang pelikula at malaki ang potensyal na tumabo sa takilya. Siyempre, hindi na maiiwasan jan na pagkumparahin ang 2 pelikula. Lalo na kung pag-uusapan na ang box-office. May nababasa na nga kame sa iba’t-ibang entertainment site na mga prediksyon at debate ng mga online readers sa 2 pelikula. Sa aming palagay, mas malaki ang pressure para sa pelikulang The Adventures of Pureza ni Melai, hindi lamang dahil sa naglalakihan ang mga artistang katapat niya kundi parang test na rin ito kay Melai kung kakagatin ang kaniyang first starring lead role. On the other side, ganito rin naman ang scenery sa mga bida ng Temptation Island. Bukod sa mga factors na nabanggit kanina, kung mapapansin mas maraming promotion ads sa TV ang Temptation Island. Halos oras-oras ang pagpapakita nito sa mga nakaraang araw (kahit nung mga nakaraang buwan). Kung kaya’t inaasahan ng karamihan na mas papatok ito sa takilya dahil talagang pinagkagastusan at ineffortan ng GMA at Regal ang bago nilang pelikula.

Sa palagay namin at karamihan sa inyo, mas lalong iingay ang community kung ang lumabas na resulta ay MAS malaking kinita ng pelikulang The Adventures of Pureza kesa sa Temptation Island. May nakita  nga kami sa isang thread sa PEX, Melai Cantiveros Versus Marian,Ruffa Mae,Lovi,Solenn,Heart. Isa laban sa lima?.. Hmm.. Mukhang malaking success ang makukuha ni melai kung ang pelikula niya ang mas tumabo. Bukod na sa kinita, nahigitan pa niya ang mga primetime female stars. Di ba?

Ang Temptation Island ay dinirek ni Christ Martinez. Samantalang ang The Adventures of Pureza ay dinirek ni Soxie Topacio.









Pero ilang linggo pa ang ating hihintayin bago natin malaman ang resulta ng 2 pelikula. Basta ang mas mahalaga, mas tangkilikin natin ang gawang atin kesa sa mga hollywood movies. Korek? Goodluck sa Temptation Island at The Adventures of Pureza!







photo credits: Temptation Island (GMA and Regal Films) - The Adventures of Pureza (Star Cinema and SineScreen)
Related Posts with Thumbnails