Tuesday, June 21, 2011

‘Toni Gonzaga Invades Araneta’ on September 30

Sa September 30, patutunayan ni Toni Gonzaga kung bakit siya ang isa sa mga hinahangaang malaking entertainer ng bansa.


Sa petsa kasing iyon gaganapin ang pinaka-malaking concert ng dalaga sa kaniyang showbiz career na may titulong “Toni Gonzaga Invades Araneta”.
 
Pagkatapos ng ilang hit-concerts at hit albums niya sa mga nakaraang buwan at taon, mukhang handa na ang Kapamilya Aktres na magpakitang-gilas sa pinakamalaking concert venue ng bansa, ang Araneta Coliseum.
 
Paniguradong puno ng musika, sayawan at tawanan ang gabi ng September 30. Bagamat, hindi pa natin alam kung sino-sino ang special guests, for sure karamihan doon ay sa ASAP at ABS family niya katulad nila Piolo, Sam, Pokwang atbp.
 
Ilan sa mga pinasikat na kanta ni Toni na paniguradong aabangan ng mga tao ay ang “We Belong”, “Catch Me, I'm Fallin”, “I've Fallen for You”, “Take Me, I'll Follow” at marami pang iba.
 
Kaya naman sa mga fans ni Toni dyan, mag-ipon na ng pambili ng concert ticket at huwag palampamsin ang isa na namang concert event ngayong taon. ‘Toni Gonzaga Invades Araneta’ sa September 30.
Related Posts with Thumbnails