Tuesday, May 24, 2011

Phil Younghusband will disclose details about his lovelife in 'The Bottomline with Boy Abunda' this Saturday

Ngayong Sabado, May 14, sa The Bottomline with Boy Abunda, kilalanin ang  Team Azkal's football superstar na si Phil Younghusband. Buong puso niyang ibabahagi ang kanyang kuwento at kung paano niya nakahiligan ang larong football. 


Dahil sa impluwensiya ng kanyang ama na Briton, at suporta ng Pilipinang ina, madaling niyakap ni Phil ang football kasama ang kanyang kapatid na si James.

1996 nang maging bahagi si Phil ng Chelsea Football Club bilang Midfielder. 2005 naman nang makapasok siya sa Philippine Football Team. Sinubukan niya ring sumabak sa iba't ibang larangan gaya ng pagkanta, pag-arte at pagmu-modelo. Naging magandang karanasan daw ito para kay Phil subalit  hindi siya naging masaya. Mas gusto niya na magconcentrate sa isang bagay na alam niyang dalubhasa siya--at iyan ay walang iba kungdi ang larong football.

Tumodo ang kasikatan ni Phil nang maging bahagi siya ng Team Azkals lalo na nang maipanalo  nila ang kanilang mga laban kontra sa mga Asian countries. Naging household name na ang apelyidong "Younghusband" lalo na nung maiugnay siya sa movie actress na si Angel Locsin.

Pakinggan ang kuwento ng kasikatan, pagtitiyaga, pakikipagsapalaran, tagumpay at buhay pag-ibig. Walang inatrasang tanong si Phil at magugulat ang lahat sa mga rebelasyong kanyang bibitawan--mapa-football man o lovelife.

Wag palalampasin si Phil Younghusband sa The Bottomline with Boy Abunda, ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Banana Split sa ABS-CBN.

courtesy of ABS-CBN via pep
Related Posts with Thumbnails