Tuesday, May 10, 2011

‘Alakdana’ airs its Finale this Friday on GMA-7

Isang kahindik-hindik na finale ang inihanda ng GMA-7 para sa high-rating afternoon drama Alakdana.
 

Sa mga nalalabing araw, matutunghayan ng mga manonood ang isa pang naiibang alakdan, ang 'alakdang bato,' na siyang magpapaigting sa aksyon at drama sa series.
 
Ito ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng alakdan kung kaya mag-uunahan sina Adana (Louise de los Reyes) at Zoila (Jobelle Salvador) sa pagkuha rito.
 
Hangad ni Zoila na gamitin ang 'alakdang bato' upang mapatay si Adana. Nais naman ni Adana na gamitin ang naturang alakdan upang wakasan na ang kanyang sumpa.
 
Sino kaya ang mauuna sa 'alakdang bato'? May pag-asa pa kayang mawala ang sumpa ni Adana at matahimik siya sa piling ng inang si Teresa (Jean Garcia)?
 
Matatanggap pa ba ni Billy (Paulo Avelino) ang isinumpang babaeng alakdan o mauuwi na lamang si Adana sa matalik na kaibigang si Joma (Alden Richards)?
 
Abangan ang maaksyon at madamdaming pagwawakas ng kuwentong ito tungkol sa isang makamandag na sumpa at sa wagas na pagmamahal.
 
Panoorin ang finale ng Alakdana ngayong Biyernes (Mayo 13), pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA-7.

courtesy of GMA Network
Related Posts with Thumbnails