Tuesday, March 15, 2011

Meet the 'Newest Heartthrob' of GMA-7, Tony Boy

Isang panibagong hamon ang haharapin ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa romantic-comedy series ng GMA Network, ang I Heart You Pare, matapos kumbinsihin siyang maging isang ganap na lalaki ni Dingdong Dantes.


Ngayong Miyerkules, tuloy ang pagiging fashion police ni Kenneth (Dingdong) para gawing certified guy si Tonette (Regine). Ngayong lalaki na siya ay bibinyagan din siya ng bagong namesung, from Tonya to Tonette now he is Tony Boy!

Pero kahit magbagu-bago pa siya ng ilang ulit ay hindi pa rin matatakasan ang katotohanan na hanggang ngayon ay hinahanap pa rin si Tonette ng kamay ng batas sa aksidenteng kanyang kinasangkutan!

Isang surprise naman ang hinanda ni Kenneth para kay Tony Boy. Dalawang policewoman ang huhuli kay Tony Boy! Anong klaseng surprise kaya ang hinanda ni Kenneth kay Tony Boy?

Mapapanood ang I Heart You Pare Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Dwarfina sa GMA Telebabad.

Courtesy of GMA Network
Related Posts with Thumbnails