Tuesday, March 8, 2011

Mara Clara avid viewer cries over death of Mara on YouTube

Mukhang hindi papakabog ang batang babae ito sa new youtube girl sensation na si Maria Aragon. 


Hindi man niya alam na kinukunan siya sa cam, tila ba hindi na kailangang pang kumanta ng batang babae ito para mapansin siya ng mga youtube viewers especially ng mga Pilipino. Ang kaniyang pag-iyak lamang ay sapat na para maagaw niya ang atensyon ng mga online users.

And video na aming binabanggit ay ang naturang pinagkakaguluhan na sa mundo ng Facebook at Youtube ng mga Pinoy ngayon na kung saan ay nakapaloob sa video ang pag-iyak ng isang batang babae habang nanonood ng hit teleserye ng ABS-CBN na Mara Clara. Ang eksena kasi ay ang pagsabog ng bomba na kung saan ito ay nakakabit sa katawan ni Mara. Hindi direct na pinakita sa TV ang mismong pagsabog ng bomba na kasama si Mara kundi ang pagsabog lamang ng lumang gusali.

Sa pagsabog ng bomba ay sumabog rin ang emosyon ng bata. Tila ba tinalbugan pa ng batang ito ang mga karakter na nasa Mara Clara sa pag-iyak sa pagkasabog ni Mara. Ilang minuto rin ang paghagulgol, pagsigaw at pag-iyak ng bata habang binabanggit ang pangalan ni Mara. Grabe ka Ineng.. hehe : )

Sa ikatlong araw pa lamang ng video ay pumalo na kagad ito sa half a million views. Blockbuster! Patok na patok sa panlasang pinoy ang video na ito! Eh di ba lilibing na si Mara ngayon? Dapat jumoin siya sa paghahatid kay mara sa huling hantungan.. hehe.. Peace : )

Nakakalungkot lang na may ilang nagpost ng sarili nilang video na kung saan binabatikos ang batang babae sa pag-iyak nito. Ilan sa mga ito ay mga foreigners na SUPER OA ang reaksyon. Panoorin kaya nila yung Mara Clara nang malaman nila. Di ba? Mind your Own Business Mga dudes! Nakiki-ride lang ata kayo sa kasikatan nung video eh. Gumawa din kaya kayo ng sarili? Okay?..

Doon naman sa ate niya, hmm. Mejo naiinis ako ng konti sa kaniya syempre kasi hindi man lang niya pinigilan yung kapatid niya sa pag-iyak eh ang ginawa pa kinunan pa ng video at tinawanan pa. Tapos inupload pa sa isang sikat na site! Tuloy ayan na!

Hmm. Kung may balak pa siyang kunan ulit yung kapatid niya ito yung suggestion ko. Suggest ko lang dun sa ate niya na kumukuha ng video, kunan niya ulit ng video yung kapatid niya kapag pinalabas na sa TV ang pagbabalik ni Mara na buhay ito.. na hindi napasama sa sumabog si Mara. Tingnan ko lang kung hindi pa niya talbugan yung apat na avid fans ni Venus Raj sa sobrang saya na kung saan innanounce na kasama ang beauty queen sa Top 5. Di ba? Ano sa tingin niyo? Malay niyo may part 2 yung video na ito??

Oops. Nga pala napapabalitang ma-eextra ang naturang batang babae sa hit teleserye na Mara Clara. Aba Bongga! Ano naman kaya eksena niya dun? Kung ako yung direktor, siguro magandang eksena yung kunwari student din siya sa skul nila Mara at Clara. Tapos aapihin o ibubully siya ni Desiree at nung 2 pang girls, at iiyak at hihingi siya ng  tulong kay “Maaarraaaaa! Maaaarraaaaa!” Ano sa tingin Niyo? Hehe.. ABS-CBN, Yuhooo...! Pwede??...



Related Posts with Thumbnails