Friday, March 4, 2011

New kids’ craze Generator Rex premieres this weekend on TV5

Mula sa mga tao sa likod ng global phenomenon na Ben 10, hatid ng TV5 ang isa na naman hit animated series, ang Generator Rex, tuwing Sabado at Linggo, alas-onse ng umaga, simula Marso 5 sa TV5 Kids presents Cartoon Network. 


Samahan si Rex sa kanyang mga adventure upang puksain ang mga pesteng nanites na pumapasok sa katawan ng mga biktima at nagta-transform sa mga ito bilang monster o EVO (Exponentially Variegated Organism). Upang labanan ang masamang epekto ng mga nanites sa katawan ng mga tao, sumapi si Rex na isa ring EVO sa Providence, isang ahensya ng gobyernong naglalayong pigilin ang mga nanites na tuluyang maghari sa mundo. Dahil sa kanyang kakayahang gawing positibo ang masamang dulot ng mga nanites, tatanghalin si Rex na bayani sa kanyang panahon.

Samantala, maghanda na para sa REXploration contest, ang watch-and-win promong hatid ng TV5 Kids kung saan maaaring manalo ng super cool prizes ngayong Marso. Abangan ang Generator Rex simula ngayong weekend, alas-onse ng umaga mula sa istasyong mahal ng mga bata, TV5!
Related Posts with Thumbnails