Thursday, March 10, 2011

Aljur Abrenica and Kris Bernal excite viewers with their wedding in 'Machete'

Tiyak na kikiligin ang mga fans nina Aljur Abrenica at Kris Bernal dahil bukas ng gabi na magaganap ang pag-iisang dibdib nina Machete (Aljur Abrenica) at Jessa (Kris Bernal).


Sa araw ng kasal nila ay makikita ni Rosella (Bela Padilla) si Machete na nakasuot ng barong pang kasal. Pagtatangkaang habulin ni Rosella si Machete subalit di niya ito maaabutan.

Sigurado si Rosella na ang lalaking nakita niya ay si Machete kaya magsisimula siyang hanapin ito.

Samantala, matutuloy ang simple pero masayang kasalan nina Jessa at Machete. Pero ang hindi alam ni Machete ay papalapit ng papalapit sa kanila si Bugana (Ryza Cenon).

Gamit ang kanyang salamanka ay matutunton ni Bugana si Machete. Susugurin ni Bugana si Machete pero hindi siya magtatagumpay. At makukuha ni Machete mula kay Bugana ang mahiwagang machete.

Paano na ang sinumpaang pag-ibig nina Aginaya/Rosella at Machete ngayong ikinasal na si Machete sa iba? Si Jessa na nga ba ang babaeng itinakda para sa magiting na mandirigma?

Alamin ang mga kasagutan sa lalong tumitinding mga tagpo sa Machete gabi-gabi pagkatapos ng The Baker King sa GMA Telebabad.

courtesy of GMA Network
Related Posts with Thumbnails