Friday, February 18, 2011

Precious Hearts Romances Presents Mana Po, ang sasalba sa afternoon timeslot ng ABS-CBN?

Hindi na lingid sa karamihan na sa mga lumalabas na TV Ratings sa mga nakaraang linggo, ang mga afternoon Series ng GMA-7 kagaya ng Koreana at Temptaion of Wife ang naghahari sa afternoon timeslot mapa-Mega Manila man at National TV ratings. 


Kung dati rati ay okyupado ng Kapamilya Network ang afternoon timeslot pagdating sa National TV Ratings, tila ba ngayon mas kinawiwilihan ng mas nakakaraming Pilipino ang afternoon shows ng GMA-7. Hindi mang harapang aminin ng ABS-CBN, malamang sila ay nababahala sa sitwasyong nangyayari na ito sa kanilang afternoon slot TV Ratings.

Sa paparating na lunes ay magbubukas ang bagong kabanata ng Precious Hearts Romances Presents Mana Po na tinatampukan ng tambalang Melai Cantiveros at Jason Francisco o mas kilala sa love team name na MELASON. Comedy-Romance ang tema ng bagong afternoon series ng ABS-CBN. Pinapalabas na ang trailer ng nasabing new afternoon series at mukhang malaki ang potensyal niito para sa mga manonood dahil bago ito sa afternoon habit ng panlasang Pilipino dahil may halo ito comedy at kilig at di tulad ng mga naunang afternoon series, mapa-Kapamilya man o Kapuso na ang karaniwang tema ay heavy drama. Ang tambalang MELASON na kaya ang magsasalba sa afternoon block ng Kapamilya Network? Ano sa tingin mo?

Kabilang rin sa Mana po sila Tom Rodriguez, RR Enriquez, Giselle Sanchez, and Buboy Garovillo. Ito ay dinirek nila Erick Salud and Katski Flores. Mana Po sa Lunes na! Papanoorin mo ba ito?

'Mana Po' FULL Trailer

Related Posts with Thumbnails