Monday, January 3, 2011

Pinoybizsurfer’s Instant News for the Week – Part 1

#1 Sa nakaraang linggo, balitang wala pa ring napipiling leading man ang GMA 7 para kay Marian sa epicseryeng “Amaya”.

 
Ilan sa mga nag-audition sa nasabing epicserye ay sila Mike Tan, JC Tiuseco, Geoff Eigenmann at ang Kapamilya hunk actor na si Tom Gutierrez. Ngunit sa ngayon, Si Tom ay pumirma na ng contract sa ABS-CBN.

#2 After ni Aga Muhlach, malakas ang balitang lilipat na rin ng TV 5 ang isa pang beteranong aktor ng ABS-CBN na si Gabby Concepcion. Sa mga upcoming programs ng Kapamilya Network ngayong 2011, wala sa anumang casting si Gabby. Ang huling show ni Gabby sa ABS-CBN ay ang top-rating teleseryeKung Tayo’y Magkakalayo” kung saan nakasama niya si Kris Aquino at ang KIMERALD.

#3 Kinumpirma ni Valerie na lalabas siya sa ilang shows ng TV 5. Ngunit giniit ni Valerie na alam ito ng kaniyang mother network. After ng mga guestings ni Val, ay nakatakdang mag-taping na ang young aktres para sa isang teleserye ng ABS-CBN ngayong taon.

#4 Balik Kapamilya na si Ahron Villena. Kasama siya sa casting ng ”Mutya” na pagbibidahan ni Alfred Vargas at Precious Lara Quigaman.

#5 Kahit natapos na ang taong 2010, tuloy pa rin ang pagpapasaya ng cast ng bantatay sa kanilang mga viewers. Extended ang nasabing top-rating show ng GMA – 7.

#6 Mukhang maganda ang pagsalubong ng taon para kay Anne Curtis. Maliban sa kaniyang daily hosting for Season 3 ng Showtime, ilalabas na ngayong first quarter ang teleserye nila ni Jericho Rosales na may titulong "Green Rose".  Sa February nakatakdang ipalabas na ang reunion movie nila ni Luis Manzano under Viva Films entitled “Who’s that Girl”. For endorsement naman, si Anne ang bagong mukha ng SMDC. Pinalitan niya ang top female celebrity ng Kapuso Network na si Marian Rivera. May mga billboards na ang nasabing Kapamilya young aktres sa ilang lugar sa Maynila. Si Anne rin ang napiling calendar girl ng Ginebra San Miguel ngayong 2011.

 #7 Masayang ibinalita ni Aiai Delas Alas ang patuloy na pamamayagpag ng kaniyang film entry for MMFF na “Ang Tanging Ina Mo, Last na To'”. Sa interview niya kahapon sa The Buzz, iginiit ni Aiai na konti na lamang at mag-no. 1 na ang kaniyang movie. Kung hindi man daw ito malapamsan ang movie nila Sen. Bong at Vic, okay lang daw. Hanggang Jan 7 na lang ang takbo ng 36th MMFF at doon malalaman kung sino ang top-grosser for 2010.

#8 Speaking of Bossing Vic, kinumprima ni Roxy Liquigan, Star Cinema advertising and promotions director na ang sunod na makakatambal ni Bossing sa kaniyang susunod na pelkula ay walang iba kundi si Toni Gonzaga. Makakasama rin sa pelikula si Zaijan Jaranilla.

 
#9 Bagong taon, Bagong shows ang handog ng GMA 7 ngayong unang buwan ng 2011. Sa Enero 10 na ang launching ng Dwarfina sa GMA Telebabad. Samantalang sa Enero 24 naman ang ‘Machete’ na pinagbibidahan ng Kapuso Hunk Actor na si Aljur Abrenica.

#10 Maaaring ang horror film na “Tumbok” ng Viva Films ang kauna-unahang pelikula ni Cristine Reyes sa taong 2011. Nakatakda rin gumawa ng pelikula si Cristine kasama ang Optimum Star na si Ms. Claudine Barretto.

(note: all the phots used are credited to respective owners)
Related Posts with Thumbnails