Saturday, January 15, 2011

Marian Rivera, naglevel-up!

Nakakaloka! Ang taray naman ni Ms. Marian Rivera oh! Hindi lang siya artista at endorser ngayon, kundi isa na ring stockholder ng isang malaking kompanya!


Sa isang tweet na pinost ng pep sa kanilang official twitter account ay kanilang ibinalita na binigyan daw si Ms. Marian ng SMDC ng share dahil sa malaking tulong niya sa pag-e-endorse ng nasabing residential property developer. At ito ay kinumpirma ng mismong manager ni Marian na si Popoy Caritativo sa kaniyang twitter account. “Maraming salamat sa SMDC sa ibinigay nilang stocks kay Marian. Stockholder na siya ngayon.”. Ang taray mo Marian!

Bongga ka Marian! Well, kung kami naman ang tatanungin at opinyon namin, talaga namang malaking tulong ang nagawa ni Marian para mai-endorse at ma-ipromote ang nasabing residential property developer na SMDC. Billboard pa lang naman niya, sino ang hindi ma-eenganyong magka-interesado bumili ng property! Kung kaya naman masaya ang SMDC dahil number one sila sa taong 2010 at malaking bagay daw dito ang pag-endorso ni Marian Rivera! Kaw na girl! : )

Anyway mukhang malaking hamon kay Anne Curtis na pantayan o higitan ang nagawang achievements ni Marian bilang endorser ng SMDC. Si Anne Curtis kasi ang bagong endorser ng SM Development Corporation at nakalabas na ang mga billboards niya. Bongga rin naman ito at mukhang hindi nagkamali ang SMDC sa pagkuha kay Anne Curtis. Superb glamorous ang aktres sa mga nasabing billboards at hindi na kami magtataka kung bigyan rin ng stocks ng SMDC si Anne sa mga susunod na buwan. Congrats Marian and Anne! : )

(photo credits to SM Development Corporation)
Related Posts with Thumbnails