Monday, January 3, 2011

Episode ni Carla Abellana na “Funeraria” sa “SRR 12”, umaani ng papuri!

Mahigit nang isang linggo pinapalabas sa mga sinehan sa buong bansa ang walong pelikula na kalahok sa ika-36 Metro Manila Film Festival. At patuloy pa rin ang labanan sa unang puwesto ng ’Si Agimat at Si Enteng Kabisote” at ”Ang Tanging Ina Mo, Last na To’!”. Sumunod ang Dalaw, SRR 12, RPG Metanoia, Super Inday, Rosario at Father Jejemon.


Ngunit, maliban dito usap-usapan pa rin ang mga issues ukol sa naging resulta ng MMFF Awards Night. Isa na rito ang pag-di pagsama sa mga nominado para sa “Best Actress” Category kay Jennylyn Mercado. Sa kabila nito, isa sa naging nominado para sa “Best Actress” Category na si Carla Abellana ay umaani ngayon ng papuri dahil sa kaniyang napakahusay na pagganap sa kaniyang role sa episode na “Funeraria” sa pelikulang SRR 12. Marami ang namangha sa pag-arte na ginawa ng Kapuso Aktres na ito. Maituturing “raw” na ito ang “greatest performance” ni Carla simula ng siya’y pumasok bilang isang artista. Bukod sa magandang istorya ng episode ni Carla, tunay na “lumutang” si Carla sa pelikulang ito. At may ilan pang nagsasabi na “siya raw ang nagdala ng pelikula” kung kaya’t ito ay patuloy na pumapalo sa takilya.
Mukhang dahil sa mga ito, paniguradong ikinakasa na ni Mother Lily na isama muli si Carla Abellana sa susunod na installment ng SRR Series sa susunod na taon o kung hindi man ay “lead star role” sa isang horror film na kung saan ay nakilala ang film outfit ni Mother Lily.

Naalala namin sa isang interbyu, sinabi ni Carla na love talaga niya ang horror films.Kaya’t tuwag tuwa siya na napasama siya sa SRR 12 ng Regal Films at ipinagkatiwala sa kaniya ng isang Episode nito. Sa mga hindi pa nakakapanood nito, panoorin niyo na! At malaman niyo kung bakit siya naging nominado! Ang sabe tuloy ng isang staff namin, isang malaking dalawang “thumbs up” para daw kay Carla. Isa daw siyang rebelasyon sa pelikulang ito!
Related Posts with Thumbnails