Saturday, December 25, 2010

Pokwang, makikiparty-party na sa ‘Showtime’?

Mukhang hindi maganda ang pagsalubong ng 2011 para kay Pokwang. Noong isang araw lamang ay inanunsyo ng Management ng ABS-CBN ang tuluyan pagkawala sa ere ng kanilang noontime show na ‘Pilipinas Win na Win’. 


Sa nasabing statement, sa petsang December 31, biyernes ang huling araw ng pagpapalabas ng Pilipinas Win na Win. Nakapaloob rin sa statement ang pasasalamat ng Management ng Kapamilya Network, hosts at staff ng PWNW sa limang buwang pagtutok at pagsuporta ng mga viewers sa kanilang noontime show.

Hindi pa nahihingan ng sariling reaksyon ang prime comedian host ng PWNW na si Pokwang ukol sa anunsyong ito. Ngunit, we’re sure na nalulungkot ang komedyante sa nalalapit na pagkawala sa ere ng PWNW. Hindi naging madali para sa komedyante ang itaguyod at isalba ang show na kung saan ay dumaan sa mga matitinding intriga sa mga nakaraang linggo at buwan. Isama pa ang pagkawala ng mga kasama niyang hosts na sila Mariel, Robin at Kris. Ngunit, imbes na mawalan ng pag-asa ang komedyante, nagsilbi pa ito para sa kaniya upang triplehin ang sipag at tiyaga na itaguyod ang nasimulan ng kaniyang mga kasama at ituloy ang pagpapasaya sa mga Kapamilya viewers around the world.

Ngunit, isa sa mga naiwan na katanungan ngayon, ano na ang susunod para kay Pokwang? Hindi maitatanggi na si Pokwang ay maituturing nang isa sa mukha ng tanghaling-palabas dahil sa ilang taon na nitong pagbibigay saya at ngiti tuwing tanghali.  

Hot Item! Malakas ang bulungan ngayon sa bakuran ng ABS-CBN na ipapasok ang komedyante sa another noon time show ng Kapamilya network na “Showtime”. Since na mas mahaba ang magiging oras ng Showtime sa pagkawala ng PWNW, asahan na ang mga bagong segments para Season 3 ng Showtime. At ayon sa ilang balita, bagamat nawala man ang isang show para kay pokwang, pinag-iisipan na raw ng Management na isama at idagdag si Pokwang sa pamilya ng Showtime at maaaring sa Enero ay ipakilala na siya bilang bagong hosts sa nasabing show. Eto pa, maaaring hindi lamang daw si pokwang ang pwedeng maging added sa pamilya ng Showtime. Ganun?!

Nasa ibaba ang screenshot ng mga tweets ni Pokwang. Isa kaya sa mga blessings na sinasabi ng komedyante ang pagpasok niya sa Showtime?


Sa inyong opinyon, gusto niyo bang makiparty-party na si Pokwang sa “Showtime”?
Related Posts with Thumbnails