Wednesday, December 22, 2010

Pilot Episode ng Captain Barbell in 3D?

Puspusan na ang paghahanda ng GMA 7 para sa pagbabalik telebisyon ng sikat na pinoy super hero na si ‘Captain Barbell’ sa katauhan ng Kapuso leading man na si Richard Gutierrez.
 

Marami na ang nag-aabang at nasasabik sa pagbabalik nito sa GMA Telebabad. Sa mga nakaraang araw ay nailunsad na ang ‘Final Casting’ nang nasabing action-fantaserye. Ilan sa makakasama ng Kapuso Hunk Actor ay sina Solenn Heusaff, Sam Pinto, Paolo Paraiso at marami pang iba. Siyempre dapat may sidekick ang super hero. At ikinatuwa ni Richard na si Jillian Ward ang napili ng GMA para gumanap dito. Exciting di ba? At eto pa ang isang exciting item! Mukhang bobonggahan talaga ng Kapuso Network Ang Pagbabalik ni Captain Barbell sa telebisyon. Dahil usap-usapan na ngayon na ang pilot episode ng action-fantaserye ay in 3D Format! Wow! Leveling di ba? Kung matutuloy ito, aba, napakalaking kaganapan nito sa kasaysayan ng Pinoy Telebisyon. Ano sa tingin mo?
 
Sa december 27 na ang first taping day ng Captain Barbell. Paniguradong excited na si Richard na magsimula ng taping at muling gumawa ng isang TV Series. Ang last TV Series ni Richard ay noong 2009, ang ‘Full House’ na kung saan nakatambal niya ang magandang aktres na si Heart Evanglista.

Abangan ang pagbabalik ni Captain Barbell ngayong 2011 sa GMA Telebabad! Kumapit ka na! At muling lilipad ang Pinoy Superhero na si Caaappptaaain.. Barbell! : )
Related Posts with Thumbnails