Tuesday, December 7, 2010

Issue sa paglipat ni Sarah Geronimo sa TV 5, tinuldukan na!

Sa mga nakaraang araw at linggo, naging usap-usapan sa mga social networking sites at forums ang di-umanoy paglipat ng Pop Star Princess na si Ms. Sarah Geronimo sa Kapatid Network / TV 5. Kami naman ay nagtaka kung saan nanggaling issue ito dahil kung ating matatandaan, eh kakapirma lang ng kontrata ng young actress/singer sa ABS-CBN sa kasagsagan ng kaniyang teleserye na IDOL. Di ba?

Ngunit meron pa rin ang kumagat sa issue na ito at patuloy pa rin ang paglabas ng iba pang balita sa di-umanoy paglipat ni Sarah. Ang isa sa itinuturing na dahilan na kumalat sa ilang mga balita ay ang pagkadismaya ng kampo nila Sarah sa maagang pagkawala sa ere ng kaniyang teleseryeng IDOL na ilang linggo lamang ang tinagal. Ayon pa sa kumakalat na balita, tila ba hindi na nabigyan ng pagkakataon ang nasabing teleserye ng Kapamilya Network upang ito’y makabawi at makahakot ng mas marami pang manonood kung ieextend pa ito ng ilang linggo pa. 

Ngunit itinanggi ito ng pop star princess sa mga interviews niya at kaniyang nirerespeto at maluwag na tinanggap ang mga naging kaganapan sa kaniyang teleserye. Dahil dito umani ng paghanga si Sarah sa press people dahil sa makatotohanan nitong saloobin ukol sa mga issue na kaniyang hinaharap. Patuloy lang ang young actress sa kaniyang trabaho bilang isang performer at patuloy rin ang pag-iintriga sa kaniya.

At nitong nakaraang biyernes lamang sa show na “Willing Willie” ng TV 5 ay nabanggit ng main host nito na si Willie Revillame ang paglipat ni Sarah sa Kapatid Network at di-umanoy nakatakdang maghost ng isang singing contest show na may titulong “Born To Be A Star”. (upang mapanood ang naturang video, i-click lamang ITO – i-set sa 7:15 – 7:27). Marami ang nagulat sa naging pahayag ng naturang comedian host at mabilis na kumalat ang naging pahayag ni Willie. Dahil dito naging malakas ang issue ng paglipat ni Sarah dahil maaaring reliable ang sinabe ni Willie sapagkat ang manager ni Sarah ay close sa naturang komedyante. Malamang ilan sa inyo ay katulad din ng iniisip namin na imposible ito dahil nakapirma ng kontrata si Sarah sa ABS-CBN unless aayusin na lamang ito ng kampo nila Sarah at Management ng TV 5.

Ngunit kahapon lamang nagbigay na ng statement ang manager ni Sarah na si Mr. Vic del Rosario at itinanggi ang mga kumalat na mga balita sa paglipat ni Sarah sa TV 5. Patunay dito ang paggawa ng pelikula ni Sarah kasama ang young hunk actor na si Gerald Anderson under Star Cinema at Viva Films. Nakatakdang sa Decmeber 13, ang first shooting day nila Sarah at Gerald at malamang na sa March 2011 ang opening play date nito sa mga sinehan. 

Bukod dito, may bagong album at isang music video dvd collection ang Pop Star Princess na ilalabas sa susunod na taon. Mapapanood si Sarah tuwing linggo sa musical variety show na ASAP. May balita rin na isa si Sarah sa mga big stars na i-dadare sa 2011 reality show ng Kapamilya Network na “I Dare You” hosted by Iya, Melai and Jericho. Sa Pebrero ay may valentine concert sila ng Concert King Martin Nieverra sa Araneta Coliseum. 

So guys, SOLID KAPAMILYA pa rin po si Sarah Geronimo. Pero ang pinagtataka ngayon ng karamihan, saan nakuha ni Mr. Willie ang kaniyang naging pahayag sa paglipat ni Sarah sa TV 5? Ano sa tingin mo?
Related Posts with Thumbnails