Wednesday, December 22, 2010

Angel Locsin, the Female Action Star

Mukhang determinado talaga ang Kapamilya leading lady na si Angel Locsin sa layunin niyang mas makilala siya ng mga manonood bilang isang Action TV Actress.


Vocal si Angel sa press na love talaga niya ang paggawa ng mga maaaksyon na shows. Kung ating babalikan ang mga nakaraang taon, napatunayan na ito ni Angel sa mga nagawa niyang proyekto. Ito yung mga fantaserye na tatak Angel Locsin kagaya ng Mulawin, Darna, Asian Treasures, Lobo at ang numero unong programa ngayon ng bansa, ang Imortal. Kapwa lahat ng nabanggit na TV Series ay may maaaksyon na eksena na kinagigiliwan at hinahanggaan ng mga masugid na tagasubaybay ng young actress.

Kung matatandaan, sinabi ni Angel noong kasagsagan ng kaniyang paglipat sa ABS-CBN na ang gusto niya sana ay mabigyan pa siya ng mga programa na maaksyon dahil ito talaga ang hilig niya. Alam ni Angel na di-biro ang mga ginagawa niyang action stunts at exhibitions. Pero parang sa karakter ng young actress ay habang pahirap ng pahirap, mas lalo siyang nachachallenge. Patunay na rito ang mga bigatin na stunts at fight scenes ni Angel sa kaniyang show na Imortal. Sa paningin natin ay napakahirap gawin ngunit nakakamangha dahil sa isang katulad niya na isang babae ay parang napakadali para sa young aktres at mas nagagawa niya ito ng malinis at maganda. Kaya’t ang resulta, isang makapigil hiningang stunts at action scenes.

Well, infairness sa young actress na ito dahil talagang markado na siya sa manonood bilang isang mahusay na female action star. At sa henerasyon niya ngayon, mukhang bibihira lang ang isang tulad niya na nalilinya sa mga maaaksyon na TV Series. Di ba? Added factor pa ang alindog ni Angel sa mga kalalakihan.
Related Posts with Thumbnails