Sunday, November 14, 2010

Titulong Box Office Queen,maagaw kaya ni Toni Gonzaga kay Bea Alonzo?

Ilang araw na lang at ipapalabas na sa mahigit sa 100 sinehan sa buong bansa ang latest movie offering ng Star Cinema ang “My Amnesia Girl” na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga. Ito na ang huling pelikula na ipapalabas bago ganapin ang taunang Metro Manila Film Festival sa susunod na buwan.


 
Sa record ng “Top Grossing Pinoy Movies for 2010” as of November 7, nangunguna pa rin ang reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na may pamagat na “Miss You Like Crazy” na kumita nang P 143.25 million. Sinundan naman ito ng isa pang star cinema movie, ang summer-comedy film na “Here Comes The Bride” with Angelica & Eugene na may kitang P 116 million at pangatlo ang launching film ni Vice Ganda na “Petrang Kabayo” na sa kasalukuyang may kita na P110.40 million sa ika-apat nitong linggo at palabas pa rin sa ilang sinehan.

Ngunit muling nanganganib ang titulong Box Office Queen para kay Bea Alonzo sa oras na tumabo na sa takilya ang movie tandem ni John Lloyd-Toni. Malaking hamon para kay Toni na agawin ang titulong Box Office Queen kay Bea Alonzo dahil kung ating susuriin, posibleng may tatlong linggo at ilang araw lamang magiging active sa mga sinehan ang pelikula ni Toni at John Lloyd dahil sa araw ng Kapaskuhan ay opisyal na ipapalabas na ang walong pelikula na kalahok sa MMFF ngayong 2010. 

Ngunit sa pinapakitang pagsuporta at excitement ng libo-libong tao sa movie nila Toni, hindi imposibleng maabot at malampasan ang kita ng current leader movie sa takilya sa taong 2010 na “Miss You Like Crazy”. Nabalitaan namin na may tatlong block screenings na ang pelikula nila JLC at Toni G. at mukhang madadagdagan pa habang palapit na ang pagpapalabas nito sa mga sinehan. Kung kami ang tatanungin, malaki ang potensyal na tumabo sa takilya ang pelikulang “My Amnesia Girl” dahil ang tema ng pelikula ay romantic-comedy na kung saan mas kinagigiliwan ng mga movie-goers. Added factor na rin ang tambalang JLC at Toni G. na kung saan ay first team up nila pati na rin ang kakaibang istorya ng pelikula.

Sa tingin niyo mga pinoybizsurfer readers, maagaw kaya ni Toni ang titulong Box Office Queen kay Bea?

(Para sa kaalamaan, kung may pelikula man na kalahok sa MMFF na mahihigitan ang kita ng current no. 1 movie sa taong 2010 bago man matapos ang taon, ito ay pasok at opisyal na kikilanin na Top Grossing Film of 2010.)
Related Posts with Thumbnails