Wednesday, November 17, 2010

Tambalang Aga-Angel ng Star Cinema, tatapatan ng tambalang Richard-Marian ng GMA Films?

Hindi pa man nasisimulan at natatapos ang banggaan ng mga pelikulang kalahok sa 36th MMFF ngayong Disyembre, isang “CLASH” na naman sa pagitan ng 2 pelikula ang dapat abangan ng mga pinoy movie-goers sa Pebrero sa susunod na taon. 


Taon-taon kasi ay inaaabangan kung ano ang magiging valentine movie offering ng Star Cinema, GMA Films at Regal Films. Siyempre, sa mundo ng showbiz hindi na maiiwasan na pagbanggain ang dalawang pelikula at dito nagkakaroon ng pagkumpara sa resulta ng takilya. Isang halimbawa na nga dito ay noong 2005 na kung saan ay naging malaking issue kung anong pelikula ang mas kumita sa takilya sa pagitan ng “Dreamboy” nina Piolo Pascual at Bea Alonzo at “Let The Love Begin” nina Richard Gutierrez at Angel Locsin. Naalala mo ba yun? At simula nun hanggang ngayon ay mainit na inaabangaan ang pelikulang ihahandog ng nasabing film outfits sa araw ng mga puso at tila ba ay nagiging kumpetisyon na rin kung anong pelikula ang tatangkilikin ng masa.

Ngayong padating na 2011, mukhang magiging malakas at maingay ang labanan ng dalawang pelikula mula sa Kapamilya at Kapuso. Una ng kinumpirma ng Star Cinema na ang kanilang valentine movie offering ay pagbibidahan nina Angel Locsin at Aga Muhlach na may tentative title na “Huling Sayaw”. Ito ang kauna-unahang pagsasama ng dalawa sa pelikula na ang ilang eksena ay kinunan pa sa Japan. Samantalang malakas ang balitang sa GMA Films naman ay ang valentine movie offering nila ay pagbibidahan ni Marian Rivera at Richard Gutierrez. Ngunit hanggang ngayon ay walang pang 100% na confirmation mula sa GMA 7 kung si Marian na nga ang kumpirmadong leading lady ni Richard sa valentine movie ng GMA Films. Ngunit kung ito man ay matutuloy, ito ay ang magsisilbing reunion movie ng dalawa after ng box office success ng kanilang valentine movie noong 2008 na may title na “My Best Friend’s Girlfirend”. 

Di ba napakalaking banggan nito? Bukod sa mga gwapong leading man, magiging mas kaabang-abang ito dahil ito ang kauna-unahang pagsasabong ng dalawang reyna ng primetime sa mundo ng pelikula. Hmm.. Angel vs. Marian? Angel fans vs. Marian Fans? Aga-Angel vs. Marian-Richard? Hmmm.. Ano sa tingin niyo?
Related Posts with Thumbnails