Tuesday, November 23, 2010

Jewel Mische, kumpirmadong magiging kapamilya na!

Naging usap-usapan noong mga nakaraang linggo ang napipintong paglipat ni Jewel Mische (Starstruck Ultimate Sweetheart) kasabayan ng mainit na issue ng pagkakahiwalay nila ni Richard Gutierrez. 

May nakakita kasi sa naturang young actress na nakikipag-usap ito sa Star Magic Director na si Mr. Johnny Manahan at ABS-CBN business unit head Mr. Deo Endrinal. Kung kaya’t lalong lumakas ang balitang paglipat nito. Kumalat din ang usapan na ang isa sa dahilan sa hakbang nito ni Jewel ay ang break up nila ni Richard. Ngunit sa mga interviews ng dalawang panig ay itinanggi nila ito at sinabing naging maayos ang kanilang paghihiwalay. Kasunod nito ay lumabas ang balitang mananatiling kapuso si Jewel at miyembro ng GMA Artist Center. Simula noon ay namatay na ang issue ng paglipat ng young aktres.

Ngunit noong nakaraang biyernes lang ay kumalat at marami ng nagkumpirma mula sa mga reliable source na malapit kay Jewel ang kumpirmadong paglipat ng young aktres sa Kapamilya Network at pag-iwan nito sa Kapuso Network at Kapuso Artist Center. Ngunit bago pa man pumirma ng kontrata si Jewel sa ABS-CBN at sa Star Magic, nakatakda munang gumawa ng dalawang guestings ang dalaga sa Kapatid Network at matapos nun ay pirmahan na ng Kontrata! Siya ang pinakabagong member ng Star Magic kung saan makakasama niya dito ang ilang bigating kapamilya star katulad nila Piolo Pascual, Shaina Magdayao, Kristine Hermosa at marami pang iba.

Ilan sa mga naging shows ni Jewel sa GMA 7 ay Magic Kamison: Black Jewel in the Palace, Mga Mata ni Anghelita, Kamandag at ang pinaka huli ay ang Pilyang Kerubin.
Related Posts with Thumbnails