Wednesday, October 13, 2010

Kung si Judy Ann Santos ay si “Ploning”, Kilalanin si Jennylyn Mercado bilang si “Rosario”

Halos mahigit dalawang buwan na lang at ipapalabas na sa mga sinehan ang walong pelikula na napasama sa 36th Metro Manila Film Festival. Ito ay ang mga ss. “Ang Agimat ni Enteng”, “Ang Tanging Ina Mo Rin (Last na To!)”, “Dalaw”, “Father Jejemon”, “RPG”, “Shake, Rattle and Roll XII”, “Super Inday and the Magic Bibe” at “Rosario”. Ang walong pelikula ay opisyal na bubuksan sa mga manonood sa Araw ng Pasko (December 25) tulad na nakagawian noong mga nakaraang taon. Bukod sa banggaan sa takilya ng mga pelikula, inaabangan rin kung anong pelikula at sino-sinong artista ang makakatanggap ng mga awards.

Ngayong taon, malakas ang potensyal na humakot ng maraming awards ang pelikulang “Rosario” na pinagbibidahan ni Jennylyn Mercado. Noong linggo ay ipinalabas na ang official trailer ng pelikula at marami mula sa taga-press media ang nagsasabi na ang pelikulang “Rosario” ang lalong mas magpapatingkad sa propesyon ni Jennylyn Mercado bilang isang aktres at malaking posibilidad na masungkit ni Jennylyn ang “Best Actress” award ngayong taon. Posibleng makalaban ni Jennylyn sa titulo na ito sila Ai Ai DeLas Alas, Kris Aquino, Marian Rivera, Carla Abellana, Shaina Magdayao at marami pang iba na pawang bida sa kani-kanilang entry sa filmfest. Ilan ng manunuri ng pelikulang pilipino ang nagsabi na ang karakter at pangalang “Rosario” ay kakabit na sa buhay-artista ni Jennylyn at  sa pelikulang Sining. ng Pilipinas. Kung si Judy Ann Santos ay si “Ploning”, si Jennylyn Mercado naman ay si “Rosario”.

Abangan ang award winning acting ni Ms. Jennylyn Mercado sa pelikulang “Rosario” ngayong December 25 sa direksyon nang batikang aktor at direktor na si Mr. Albert Martinez

At iiwan namin sa inyo ang official trailer ng “Rosario” entry ng CineMabuhay at Studio 5.


Related Posts with Thumbnails