Tuesday, September 7, 2010

Marian Rivera, solid KAPUSO pa rin!

Kaninang hapon ay ginanap ang pagrenew ni Marian Rivera ng exclusive contract sa GMA 7 o KAPUSO Network. Nakaloob sa kontrata ang mga plano ng GMA 7 Management para sa tinuturing nilang Biggest Kapuso Star na si Marian. Ilan na dito ang mga nakalineup na bagong shows at movies na gagawin ni Marian sa Kapuso network. 

Napabalita na sa ilang pahayagan at ilang sikat ng entertainment blogsite na pagkatapos ng Endless Love ay may nakalaan na kaagad na bagong show si Marian na gagawin. Mala-epiko daw ang tema ng bagong show ni Marian na may pamagat na Chrysa: Ang Dakilang Maharlika. Ilan sa napabalita na makakasama ni Marian sa nasabing epikong show ay sila Cherrie Gil, Christopher de Leon, Glydel Mercado, Rita Avila at Diana Zubiri. Nasagap din namin na hindi lamang isa ang magiging leading man ni Marian kundi tatlo. Ang nasabing show ay ipapalabas sa susunod na taon at ngayon pa lamang ay inaabangan na dahil sa napakalaking produksyon  na ilalaan dito  ng GMA 7 katulad sa mga nakaraang show na Mulawin at Encantadia.

Sa usapang pelikula naman, nakatakdang gawin ni Marian ang remake ng Super Inday and the Magic Bibe na orihinal na ginampanan ni Maricel Soriano. Kasama ang pelikula sa walong entries para sa MMFF ngayong Christmas Season. Si Jake Cuenca ang kanyang magiging leading man. Kasama rin sa naturang pelikula si Vice Ganda. Malakas din ang balitang gagawa muli ng isang valentine movie si Marian sa GMA Films. Si Dingdong Dantes at Richard Gutierrez ang pinagpipiliang makakasama niya sa pelikula na pawang naging leading man na niya sa pelikula at pumatok sa takilya. Maaari ring namang Love Triangle. Dingdong-Marian-Richard. Ano say mo? Pumayag naman kaya si Tita Anabelle dito?

Mula sa Pinoybizsurfer, binabati ka namin Marian Rivera sa iyong mga tagumpay na nakamit na at makakamit pa sa mga susunod na taon! Mabuhay ka Jenny! : )

(Note: image used is credits to the owner)
Related Posts with Thumbnails